4

82 3 0
                                    

"How dare you na ipahiya ako sa harap ng kapwa models natin? Sino ka ba sa inaakala mo ha?" Medyo humihigpit na ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Bitawan mo ako." Madiin ang pagkakasabi ko at nagpupumiglas na ako. Narealize naman niya sigurong nasasaktan na ako kaya binitawan niya na ako.

Tumayo ako ng maayos at inayos ko ang damit ko.

"First of all Harry, hindi kita pinahiya. Ako pa nga ang pinahiya mo diba? Ako dapat ang magtanong niyan sayo, bakit mo ako pinahiya? At bakit ayaw mo akong makapartner?"

"Hindi kita pinahiya, I'm just saying the truth na hindi ka bagay sakin. Noon pa naman diba? Tsaka kaya ayaw kitang makapartner cause I know how obsessed you are sa akin at alam kong ikakatuwa mo lang na maging partners tayo. I don't want that, baka mahalay mo pa ako." Aba! Ang kapal din naman ng mukha ng lalaking to no?

"Lilinawin ko lang Simouns, matagal na akong naka move-on sayo! Hindi na kita gusto. Don't assume na gusto pa rin kita, sa ganda kong to? Bakit maghahabol ako sa taong wala namang pake at hindi naman gwapo?"

"What? Hindi mo na ako gusto?" Nakakita ako ng pagkagulat na parang nanghihinayang na di makapaniwala sa mga mata niya.  "I don't believe you, since birth nga ata gusto mo ako hanggang graduation ng 4th year high school ay umaasa kang magugustuhan kita. Ikaw naka move-on? Tsk, tingnan natin kung nakamove-on ka na nga." Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya.

"A-anong ginagawa mo?" Kinakabahan ako, teka, hindi mo na siya gusto Alexa, hindi na hindi na hindi na.

Napapikit ako at inulit ulit ko sa utak ko na hindi ko na siya gusto. 

"STOP!" Napasigaw ako. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Harry Simouns?! Hindi ka makapaniwala na hindi na kita gusto? Pwes, patutunayan ko! Tigilan mo lang ako." Nagmamadali akong tumalikod at naglakad na.

Hinawakan ko ang dibdib ko, ang lakas ng tibok ng puso ko, parang nag-iinit din ang mukha ko. Hhm, siguro kasi mainit, tsaka nagulat ako dahil first time na may lalaking ganun kalapit ang mukha sa akin. Hindi ko na siya gusto, hindi na.

***

"Oh, nandito ka na pala Lex, kanina pa kita iniintay." Nagbeso-beso kami ni Joan at umupo ako sa tabi niya.

"Bakit ikaw ang nagbabantay dito?" Tanong ko at nakiinom sa frappe niya.

"Wala si kuya eh, nasa bahay, doing some important stuffs."

"Why do you keep calling kuya your twin brother Pierce? ?"

"Don't know, nasanay lang siguro. Btw, bakit nakakunot yang noo mo? May problema ba?" Tumango ako at kinwento sa kanya ang nangyari.

"Naka move-on ka na ba talaga?" Tiningnan niya ng maigi ang mukha ko. Tumango ako.

"Hhhm, mukha nga. Mabuti naman at naka move-on ka na muli sa lalaking masungit at walang pake na yun!"

"Grabe ha. Hahaha. Oo nga eh, pwede na akong main-love ulit ngayon at magkakaboyfriend na ako!" Masayang sigaw ko.

"Talaga?" Napalingon kami parehas ni Joan.

"Kuya/Pierce?"

"Eh bat parang gulat na gulat kayo?" Umupo siya sa harap namin at umiinom na siya ng kape. "Base sa narinig ko kanina Alexa, pwede ka nang mag boyfriend?" Nagkatinginan kami ni Joan.

"H-huh? Ahm, o-oo! Pwedeng pwede naman talaga no. Ayoko pa nga lang." Tumango tango ito na para bang kinukumbinse ang sarili.

"So, pwede na ba kitang ligawan?"

OO NGA PALA, HINDI TAYOМесто, где живут истории. Откройте их для себя