W

5.9K 85 18
                                    

Dear Kate,

                   Uhm.. Hi Kate? Hehe kamusta? Nakita kita kanina sa may canteen. Kasama mo yung bestfriend mong si Kyla. Gusto sana kitang lapitan kaso nahihiya ako eh.

                   Nga pala, kung nagtataka kung sino ako, huwag mo nalang alamin. Kasi alam kong wala ka namang interes sa akin.

                    At kung nagtataka ka din kung bakit kita binigyan ng ganitong sulat, yun ay dahil gusto kita. Actually matagal na. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sulatan ka. Nahihiya pa nga akong ibigay to sayo.

                    Sana makita ulit kita mamayang uwian hehe :>

From your secret admirer,
Cookies N Cream

"Cookies N Cream? Saang lupalop ng planeta naman kaya natin mahahanap yang cookies n cream nayan?" tanong sakin ng kaibigan kong si Kyla pagkatapos namin basahin yung sulat sa akin.

Nagkibit balikat ako sa tanong niya. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ko o ano eh. Wala naman akong ideya kung sino yun. Wala naman akong nakikitaaang may gusto sakin sa mga kaibigan kong lalaki.

"Hindi ko din alam. Baka naman ice cream siya?" tanong ko sa kaibigan ko.

"Haba naman ng hair mo kung ganon! Pati ice cream nagkakagusto na sayo!" sabi niya at bahagya akong binangga. Eh sa ganda ko ba naman na to? Malamang pati ice cream magkakagusto talaga sakin.

Charot :>

"Pero be wow ah. Sa tanang buhay mo, ngayon kalang nagkaroon ng secret admirer. Kung kailan pa graduate na tayo." sabi ni Kyla.

Ewan ko nga. Saka lang siguro napansin yung beauty ko.

"Ngayon lang ako naging dyosa eh." pagmamayabang ko. Um-acting naman siya na parang hinahangin.

"Omg! Bumagyo ata dito bigla!? Tae wait. Hinahangin ako!" sabi niya at kapit na kapit pa sa rehas ng bintana namin dito sa room. Oa masyado ah.

"Kate! Kyla!" napalingon kami sa may pintuan kung saan pumasok ang boy bestfriend kong si Jk.

"Kumain kana?" tanong niya sakin pagkalapit. Sasagot na sana ako kaso bigla akong inunahan ni Kyla.

"Jk hindi mo din ba ko tatanungin niyan?" tanong ni Kyla sabay pa cute. Nakaka takot yung mukha grabe. Ang creepy. Si Valak ata to. Charot.

"Kate kaba?" pambabara naman ni Jk. Hahaha kawawa naman yung besfren ko

"Wala namang sinabing pangalan eh." sabi ni Kyla bago sumubo ng fries.

"Hahaha, oo Jk kumain na ko. Kakabalik nga lang namin dito sa room." sagot ko. Tumango tango siya at umupo sa tabi ko.

"Ano yan?" tanong niya sakin at kinuha yung papel na hawak ko.

Yung sulat sakin nung secret admirer.

"Lah! Akin nayan!" sabi ko at akmang kukunin na pero itinaas niya.

Letters (COMPLETED)Where stories live. Discover now