"Feeling ko nasa hotel ako. Wow" nasabi ko dahil sa pagka amaze ko


"Have you been there?"


"Oo naman!"


"With whom?" malisyoso niyang tanong. Hinampas ko yung braso niya. Anong akala niya sakin?!


"Nag birthday dati sa Annabeth sa hotel" sabi ko at inirapan na lang siya.

Hinugasan ko muna yung sugat niya at pinadugo. Malaki yung sugat niya. Parang hiniwa ng kutsilyo. Tinignan ko ng mabuti at baka may bubog na nakapasok. Tinanong ko din siya kung may nararamdaman ba siyang something sa sugat but he insisted na wala daw talaga.


"Ano ba kasi talaga ang nangyari huh? Bakit sabi nung maid niyo bigla ka na lang daw nagbasag ng gamit habang magkausap tayo. Have I done something wrong? May nasabi ba akong hindi maganda?" seryosong tanong ko pero mukhang wala siyang plano na sumagot. Mag iiwas pa sana siya ng tingin pero hinawakan ko yung ulo niya para mapilitan siyang sakin lang tumingin.


"Kahit na malaman mo pa ang dahilan, Manilla, I know there is nothing you can do about it. At hindi pa ako handa na sirain yung kung ano man meron tayo ngayon" mariin niyang sabi at umalis. Sinundan ko siya ng tingin pero hindi siya lumilingon.

Napabuntong hininga na lang ako. Kahit daw malaman ko wala naman akong magagawa. I doubt it. Siguro ayaw niya lang magsabi sakin dahil masyadong personal. At ayaw niyang masira yung kung anong meron kami? Ang labo.

Hindi ko na lang siya pipilitin kung ganon. Basta ngayon nagpunta ako dito at nakitang okay siya.

Gaya nga nang sinabi ni Derick, pupunta nga sila ng Hong Kong. Kasama ang parents at ang grandfather niya. It's actually a business trip. Binati ko si Derick tungkol dun pero hindi siya masaya. Nagulat pa nga ako nung sabihin niya na hindi siya interesado sa pagpapatakbo ng kahit anong business. Kahit daw itong school wala siyang planong i manage kung sakaling sa kanya ipamana.


"Hey" naputol ang pag iisip ko nang ikumpas ni Nico ang daliri niya sa harapan ko. I blinked how many times bago bumalik sa huwisyo


"Okay ka lang? Kanina ka pa tulala ah?" puna niya at umupo sa bench na nasa tabi ko. Pinapanood ko mag practice ng football si Robie at yung team. Originally, wala talaga akong plano pumasok pero naisip ko na mababagot lang ako sa bahay dahil wala din naman gagawin.


"Wala may iniisip lang ako" sabi ko na hindi pa din inaalis ang tingin sa field. Kasalukuyan na na kay Robie yung bola at nilalaro niya yun sa mga paa niya habang pilit inaagaw ng mga team mates niya. Hindi ko maiwasan mapangiti. Para silang mga bata.


"Yung iniisip mo ba eh yung taong lumipad kaninang madaling araw papunta sa Hong Kong? Dont worry anytime now malay mo bumalik na yun" he teased. I just rolled my eyes on him kaya mas lalo siyang natawa. Sa totoo lang mabuti at gwapo to si Nico. Kaya kahit paano hindi masyadong nakakainis yung pagiging makulit niya.


"What are you doing here?" tanong ko sa kanya. At himala na wala siyang kasamang babae. Hindi naman womanizer to si Nico pero friendly siya sa mga babae. Siguro dahil may kapatid siya na babae. Takot niya lang na maglaro.


"Saw you alone. At isa pa, sabi sakin ni Derick tignan daw kita" hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa. Ang lalaking yun, anong akala niya sakin? Bata na kailangan pang bantayan? But on the other hand nakakatuwa. He cares.

Sana lang mag enjoy siya dun kahit na business ang pinunta nila. Tsk, nararamdaman ko naman na mabait ang parents niya eh. Siguro kailangan lang nila ng quality time para makapag bonding.


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now