Nagpalinga-linga si Jewel sa paligid bago niya binalingan si Josh. "He's somewhere. Ang alam ko nag-ikot lang siya." Sabi nito.

"Really?" Sabat ko naman. "Hindi niya dapat iniiwan itong ka-date niya." Turo ko kay Jana. "When you ask someone to be your date for a party or any occassion, you shouldn't go anywhere else. Dapat nasa date mo lang ang atensiyon mo. Right, Josh?" I looked at him for approval and he simply nodded. My smile broadened.

Pinagtaasan lang ako ng kilay ng dalawang kontrabida sa buhay ko na sina Kate at Ana na walang ginawa kundi mag-react sa lahat ng gagawin at sasabihin ko. Ganon din ang ginawa ni Jana na hindi naman talaga nakapagtataka. Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang boses ng kanina pa namin hinahanap. He suddenly appeared from nowhere.

"I didn't go anywhere else, Snow. May kinuha lang ako." He smiled.

Inilabas niya ang mga kamay niyang nakatago kanina sa likod. He handed Jana a bouquet of red roses and her eyes twinkled. Masaya niyang tinanggap iyon, tumayo siya at niyakap niya pa si Migs. Gosh, spell PDA? T-h-e-m. Nairita ako sa naging reaksiyon ni Jana. Sigurado akong araw-araw naman siyang nakakatanggap ng bulaklak mula kay Miguel. Anong pinagkaiba nito sa ngayon?

Bahagyang napa-ubo si Josh nang hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa. Mabuti na lang at nakaramdam din sila.

Humilig si Josh sa akin at bumulong. "Pwede bang umalis na tayo dito? Ayoko munang makita silang dalawa na magkasama. Nag-away kami ni Jana dahil kay Miguel."

Dahil masunurin naman ako, sumang-ayon ako sa gusto niya. Hindi na ako nagpaalam sa kanila nang hilain ko siya palayo. Napunta kami malapit sa mga lamesa kung nasaan ang mga inumin. Kasalukuyan kasing ginaganap ang Acquaintance Party ng college namin. Nandito kami ngayon sa isa sa mga sikat na high-end bars sa Metro na ngayo'y exclusive lang para sa aming mga estudyante. Ang alam ko, may mini program kanina kaya nga lang late kami kaya hindi na namin naabutan ito. Ngayon, may Disc Jockey na tumutogtog may stage. Party song ang tugtog kaya halos lahat ay sumasayaw na. Medyo nasisilaw na rin ako sa mga disco lights sa paligid.

Kumapit ako sa braso ni Josh at hinila siya palapit sa lamesa. Marami silang siniserve na drinks dito. Karamihan light drinks pero may iilang hard liquors din naman. Kumuha ako ng dalawang basong may lamang puting inumin na sigurado akong margarita. May lemon pa na naka-disenyo sa taas nito.

"Want some?" Tanong ko kay Josh saka inabot sa kaniya ang hawak ko.

May pag-aalinlangan sa mga mata niya nang kinuha niya ito. "You sure? Baka mamaya, malasing tayo nito." Sabi pa niya.

I immediately shaked my head. "Ano ka ba? It's a friday night. Wala naman tayong klase bukas kaya might as well mag-enjoy na lang tayo." I smirked at him. Ininom ko ng diretso ang hawak ko at bahagya akong napangiwi sa lasa.

Yes, I drink. Palagi kaming tumutogtog sa mga exclusive bars at hindi maiiwasang makisaya kami sa mga naroon. Kaya nga lang, hindi pa rin ako nasasanay sa lasa ng mga alcohols. Alam kong minor pa lang ako pero may access ako sa mga bars lalo na sa The Mist at Mystic Lounge. It was the perks of being Diana Zapanta's niece, Faye's mom who owns a lot of bars.

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowWhere stories live. Discover now