Bulls eye! :-)
"Sabe ko anong ginagawa mo dito."
Malakas nitong ibinagsak ang librong binabasa at lumapit sa kanya.
"Ano bang problema mo?" Anito sa galit na boses.
Napaatras siya ng bahagya dahil palapit ito ng palapit sa kanya.
"A-ano k-kase h-hindi mo ako pinapansin." Nauutal niyang sagot
"Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko kung ano ang ginagawa mo dito. Inannounce kanina na walang estudyante ang dapat pumunta dito buong araw."
Inannounce ba yun? Bakit parang wala naman siyang alam.
"H-hindi ko alam." Pag-amin niya.
"Siguro kase tinutulugan mo ang klase mo kanina."
Lalo pa itong lumapit sa kanya. Siya naman ay patuloy sa pag-atras hanggang sa mapasandal na siya sa pader.
"H-hindi kaya."
Hindi naman talaga niya tinulugan ang klase niya kanina. Ammm. . . . Inaatok lang siya kaya siguro hindi niya narinig.
"Baket ka nandito?"
"K-kase ano. . Amm. . Ano kase. . K-kailangan ko magreview."
Matagal ito bago sumagot. "Ganun ba? Fine! "
Lumayo na ito sa kanya at bumalik sa pwesto kanina at nagbasa ulit.
"Wag ka lang maingay!" Pahabol nito.
Hindi niya alam kung bakit ito nandito at kung makaasta ay parang ito ang may-ari ng buong Library.
Pero wala namang masama na magbasa ito ng libro doon. Baka isang out of school youth ito na gustong matuto. Kaya pagbibigyan na lang niya saka para hindi na rin siya matakot na kung anong multo ang magpakita sa kanya dahil kahit papano ay may tao siyang kasama kahit pa mukha itong killer.
Bumalik siya sa shelves ng Accounting book at saka namili ng mga libro. Pagkakuha ay dinala niya na yun sa reading area para makagawa na ng notes.
Pumuwesto siya sa pangatlong lamesa mula dito. Mas mabuti ng malayo siya dito para makasigurado.
Nagsimula na siyang magtake notes at maghigh light ng mga importanteng topic.. Pero isang oras na siyang nakaupo doon ay hindi parin nangangalahati ang papel niya. Wala din siyang maintindahan at nahihirarapan siyang magkabisado.
"Tss! Ano ba?" Naiinis niyang ginulo ang buhok at isinubsob ang mukha sa libro.
"Concentrate! Concentrate!" Sabe niya sa sarili.
Hindi kase siya makapag-concentrate kahit tahimik naman. Hindi niya kase mapigilang mapatingin doon sa lalaking mukhang killer. Minu-minuto ay napapasulyap siya dito.
Aarrgghh! Gulong-gulo siya samanalang ito ay parang seryosong-seryoso sa pagbabasa.
UNFAIR! Sigaw ng utak niya.
Inis niyang kinuha ang libro at mga gamit niya at pumunta sa pwesto nito.
"Ehem! Pwede ba ako maki-upo?"
"Maraming Vacant!" Sagot nito na hindi man lan tumitingin sa kanya.
Aba ayos to aa. Hindi siya makakapayag na ito nakakapagconcentrate tapos siya hindi. Kung hindi siya makapagconcentrate dapat ito din.
YOU ARE READING
Ms. Panget meet Mr. Panget
Teen FictionWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
Panget 5
Start from the beginning
