---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Minulat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang buong B7 na naka tayo sa harap ko, pati si Janine at Sae.

"Nasaan ako?" ang bukod tanging nakikita ko ay white marble's and white na kumot na gamit ako at puro white.

"Thank God gising ka na Marj, grabe nag-alala talaga kami sayo! Thanks talaga at nagising ka na" nakita kong pinahid ni Sae ang luha niya.

"Anong nangyari sayo? Dalawang araw kang tulog! Daniel, sinong maygawa nito sayo" si Raj, na concern na concern sa akin.

"Nasaan si Jake?" siya kaagad ang una kong hinahanap. Wala siya >___< Nasaan kaya yun?

"Nang mangyari to sayo, wala siyang ginawa kundi mag-inom, alalang alala siya Daniel, at parang sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sayo" bakit naman? Wala naman talaga siyang kasalanan ah.

"Daniel, ano bang nangyari?"Janine

Napatingin ako sa kanilang lahat. 

"Hindi ko masyadong matandaan, pero mukhang may nagalit sa gang natin at ako ang pinili nilang gantihan, pero wag kayong mag alala, okay naman ako" Hindi ko na alam kung saan ako titingin.

"Kaya pala.. kaya pala may saksak ka, pero Daniel, sa susunod wag ka nang lalabas ng mag-isa ha? Baka kung ano pang mangyari sayo ulit" pa alala ni Lance.

"Daniel, pag to nangyari ulit, ido-double dead kita!" sigaw naman ni Dars.

Ako na nga nasaktan, ako pa rin masasaktan? =____= Hayy nako.

Napatingin naman ako sa labas, gabi na ah. Pero nandito pa rin sila? Akala mo naman nag bababang-luksa na sa akin, lahat sila naka white. Ewan ko pero pati si Ice naka white, wag mung sabihing iniisip din niya na end of the world for me na? =____=

*toot toot*

Sabay sabay kaming napatingin sa tumunog na cp ni Keith.

"Hello?" sinagot niya kaagad ito at napakunot ang noo niya. Pati ang kamay niya ay nagbago ng posisyon na bigla niyang nasuntok ang kama ko. 

Lahat kami nagulat sa reaksyon niya at nagtataka kung sino ang kausap niya at anong sinasabi nito sa kanya.

"Keith? Sino yan?" pagtatanong ni Dars.

Napatulala muna siya. At tumungo. 

"Si.. si Jake.. si Jake..si..." tinakluban niya ang mukha niya gamit ang kanyang kanang kamay.

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now