Buti na lang talaga at sinalo siya nito kaya hindi siya tuluyang sumalampak sa semento.

 

 

"Mukhang tayo yung tinutukoy nung announcer." Anito.

 

 

Doon lang niya namalayan ang posisyon nila. Nakapulopot ang kaliwang kamay nito sa balakang niya, nakahawak naman sa ulo niya ang kanang kamay nito, at ang most unbelievable ay yumg sobrang pagkakalapit ng mukha nila na halos magkadikit na ang labi nila.

 

 

"Aaahh.. pwedeng itayo mo na ako." Aniya.

 

 

Tinulungan naman siya nito makakuha ulit ng balanse.

 

 

"EXCUSE ME ! AYAW KO MAKASIRA NG MOMENT PERO PWEDE NA PO NINYO KUHAIN ANG PRIZE NIYO DITO." Sabe ng announcer.

 

 

"Halika na! Kuhain na natin yung prize naten."

 

 

"Pero hindi tayo couple." Protesta niya.

 

 

"We can pretend. Saka wala dito ang girlfriend ko at as much as I know wala din dito ang boyfriend mo dahil kung nandito siya, siya ang sasalo sayo." Paliwanag nito.

 

 

"Hindi ba magagalit ang girlfriend mo?"

 

 

"Hmm. Sa tingin ko hindi . She will understand. Saka sayang yung prize." Nakangiting wika nito.

 

 

"Okay!" Pagsang-ayon niya.

 

 

Hinawakan siya nito sa kamay at iginiya sa stage.

 

 

"CONGRATULATIONS!" Bati nito sa kanila. "Here are your gifts." Iniabot nito sa kanila ang tig-isang red cap.

 

 

Yung lang ang natanggap nila? Muntik na siyang mabagok tapos yun lang ang matatanggap nila.

 

 

Tumingin siya sa lalaki na nagligtas sa kanya. Akala niya ay madidismaya ito pero nagkamali siya dahil todo parin ito sa pagkangiti..

 

 

"OUR LUCKY COUPLE GET OUR LUCKY COUPLES CAP. THIS CAP GIVES LUCK FOR THOSE WHO WEAR IT. SO AGAIN CONGRATULATIONS!"

Ms. Panget meet Mr. PangetDonde viven las historias. Descúbrelo ahora