"Wala naman sigurong masama kung sisilip ako." Bulong niya.
At the end hindi rin niya napigilang mag-usisa sa mga nangyayare sa Valentines program kuno na nagaganap. Nakisiksik siya sa mga nandun para makita ang nasa stage. Kung kanina ay tanaw pa ang stage ngayon ay hindi na dahil natatakpan na ito ng mga tao.
"NOW WE HAVE A NEW CHALLENGE. AND THE WINNING COUPLE WILL HAVE A SECRET PRIZE. WE WILL CHOOSE FROM THE RANDOM COUPLE IN THE AUDIENCE. ALL YOU HAVE TO DO IS TO POSE YOUR SWEETEST POSITION. WE WILL GIVING YOU 1 min. . . SO READY START NOW." Sigaw ng lalaking announcer.
Tanung niya lang. Hindi ba to napapaos? Kanina pa ito sigaw ng sigaw.
Anyway wala na siyang pakialam dito. Ang kailangan niyang gawin makaalis na sa mga nakakadiring nilalang na nasa paligid niya. Kulang na lang kase ay maglampungan ang mga ito samantalang ang sabe ay sweetest position hindi best sex position. Tsk! Tsk!
Malapit na sana siya makaalis sa umpokan ng may isang babae na tumulak sa kanya dahil napadikit siya boyfriend nito. Napaatras siya ng bahagya kaya may natapakan siyang kung anong madulas. Pilit siyang humanap ng makakapitan para hindi tuluyang mapahiga pero lahat yata ng nandun ay lumayo sa kanya.
Gosh!. . . Napapikit na lang siya. ><
"TIMES UP! AND WE HAVE A WINNER."
Narinig niyang sigaw ng Announcer. Teka! Narinig niya yun ng malinaw? Ibig sabihin hindi siya nabagok o nabalian ng tadyang dahil wala naman siyang nararamdaman na sakit.
Dahan-dahan siyang dumilat. At isang anghel na bumungad sa kanya.
"Are you alright?"
"Am i in heaven?"
Tumawa ito sa sinabe niya. "Your hallucinating."
"THAT WAS THE SWEETEST POSITION NA NAKITA KO. KAYA KAYO DIYAN UMAKYAT NA DITO."
Saka lang siya natauhan ng marinig ulit niya ang boses ng announcer. Wala pa pala siya sa heaven at hindi rin ang anghel ang nakita niya. Mukha lang anghel .^//^
YOU ARE READING
Ms. Panget meet Mr. Panget
Teen FictionWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
Panget 2
Start from the beginning
