"Ahmm. Wait! Alam mo kung ano ang mas dapat mong yayain makadate? Yung mga asong nagkalat diyan mas bagay kayo." Dagdag niya.
Pagkasabe nun ay umalis na siya agad. Hindi na niya matagal makita ang nakakaumay na mukha nito.
Hindi siya laitera dahil aminado naman siya na panget talaga siya. Pero hindi na naman kailangan na ipamukha yun sa kanya. Siguraduhin lang ng mga nanlalait sa kanya na perpekto ang mga ito dahil kung hindi sisiguraduhin niyang mapapahiya ito kapag nag simula ng umariba ang bunganga niya.
"Nakakastress naman dito wala man lang akong makita na mamasyal na mag-isa maliban sa akin at sa mukhang kabayo na yun."
Tatawagan na sana niya ang driver niya ng para magpasundo ng may umagaw ng atensyon niya.
"MY DEAR COUPLES, MAGSILAPIT PO KAYO DITO MERON PO KAMING MALIIT NA PROGRAMA NGAYONG VALENTINES DAY PARA SA MGA SWEET COUPLE NA NADITO. . . MAY MGA GAMES AT PRICES PO KAME. MERON DIN PONG LIMITED COUPLE ACCESORIES. KAYA LUMAPIT NA PO KAYO! " Pag aannounce ng isang lalaki na nakatayo sa maliit na stage.
Napansin niyang halos lahat ng namamasyal ay papunta sa maliit na stage. Lahat ay puro couples. Sabagay para naman talaga sa mga couples yung program.
Gusto niya rin sana makinood ang kaso wala naman siyang kapartner kaya ano ang gagawin niya dun? Iingitin niya lang ang sarili sa mga nilalanggam na sweethearts na nandun. Kaya mas mabuting umuwe na lang siya.
"Hello Manong Rudy pakisundo na ako dito sa Luneta park. Nandito ako malapit sa monumento ni Rizal." No choice na siya kaya tinawagan na niya ang driver nila.
"Pasensya na Ma'am naflat po kase yung dalawang gulong kaya nandito pa ako sa talyer. Matatagalan po ako."
"Ganun ba? Sige aantayin na lang kita. Bye!" Hindi na niya inantay na sumagot pa ito she end the call.
Bakit ba ang malas niya buong araw? Una namamasyal siya mag-isa sa araw ng mga puso. Pangalawa may lumapit sa kanyang mayabang na kabayo. At pangatlo kung kailan gusto na niyang umuwe saka naman naudlot.
She sigh.
Umupo siya sa bench na malayo sa nagaganap na programa para hindi siya matempt na pumunta doon. Ang kaso hanggang sa pwesto niya ay rinig na rinig niya ang boses ng lalaking announcer pati na ang hiyawan ng mga tao.
YOU ARE READING
Ms. Panget meet Mr. Panget
Teen FictionWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
Panget 2
Start from the beginning
