"Naalala ko kase si Mommy." She sigh.
"Hayy! Naku kaya naman pala. Nag-eemote ka na naman. Magbihis ka na nga at pumunta tayo kila Mike para makalimot ka."
"Ayaw ko! Wala akong gana."
"Hindi ako tumatanggap ng pagtanggi ngayon kaya magbihis kana aantayin kita sa kusina niyo. Maghahalungkat muna ako ng pagkain."
"Teka lang. May problema kase ako kaya gusto ko mag-isa." Pigil niya rito.
"Ano na naman yan?"
"Hindi ako pinayagan ni Daddy magparetoke."
"Buti naman."Narinig niyang bulong nito.
"Huh? Anong buti naman?"
"Wala sabe ko mas mabuti pa magbihis kana yung maganda at dun na natin pag-usapan yang mga problema na yan kila Mike. Kaya bilisan mo na aantayin kita sa baba." Tuluyan na itong lumabas ng kwarto niya.
Basta ito ang nagsabe wala na siyang magawa kundi ang sumunod na lang.May pagka-Paranoidkaseito at Hysterical minsan.
Bata palang ay magkaibigan na sila kaya kilala na nila ang isa't-isa. Noong una ay ayaw niya pang makipagkaibigan dito dahil sa gap na nararamdaman niya. Maganda kase ito at siya isang Panget pero lagi nitong pinaparamdam na magkalevel lang sila.
Lagi nito sinasabe na Maganda nga ako pero Mayaman ka naman. Oh diba quits?
Almost perfect na ito para sa kanya dahil Maganda na Mabait pa. Siya Mayaman lang -,-".
"Hayyyss! Mayaman nga ako. Hindi ko namanmapaganda ang sarili ko." Aniya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
Hindi niya alam kung saan siya nagmana. Samantalang maganda ang Mommy niya at Gwapo ang Daddy niya lalo nung kabataan nito. Pero bakit siya Panget?
Kung minsan iniisip niya na baka ampon siya pero nung tinanongniya ang Daddy niya tungkol dito ay tumawa lang ito.
Hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para gumanda. Lahat na yata ng solusyon nagawa na niya.. Gumamit na siya ng kung anu-anong beauty productspero lalo lumala ang pimples niya. Nagmamake-up din siya pero nagmumukha lang siyang bakla kaya itinigil niya na.
YOU ARE READING
Ms. Panget meet Mr. Panget
Teen FictionWe all wish to have a happy Lovestory . . But not all of us are lucky to have. >< pano kung may hadlang para sa Happy Ending ?? ito yun oh! Magandang Girlfriend - Panget na Boyfriend DISKARTENG MALUPIT Panget na Girlfriend - Gwapong...
Panget 1
Start from the beginning
