"Aaaarrgghh!! I really hate you Daddy pinaalala mo na naman si Mommy."She cried.

Krinnngg! Krinngg!

Ayaw niya ng kausap ng mga oras na yun ang kaso ang bestfriend niya ang tumatawag kaya kailangan niyang sagutin.

"Hello Mira ? Nasaan ka ngayon ? Nandito ako sa gate ninyo antayin kita, pumunta tayo kila Mike dalian mo na ayaw ko na maghintay ng matagal." Tuloy-tuloy na sabe nito.

"M-mariel? W-ala akong gana." Sabe niya sa garalgal na boses.

"Bakit ganyan boses mo? Anong nangyare sayo? Nasaan ka ba? Sumagot ka nga!"

"N-nandito ako sa kwarto."

"Sige. Mag-antay ka pupuntahan kita. Sandali lang. Bye."

Pagkasabe nun ay dial tone na ang narinig niya. Pagkalipas lang ng isang minuto ay kumakatok na ito sa kwarto niya.

"Mira?. . Mira?. . Buksan mo itong pinto. Kung ano man yang problema mo mapapag-uusapan yan hindi solusyon ang pagpapakamatay!"

Napangiti naman siya ng bahagya sa huling sinabe nito. Pang-Suicidal na ba ang boses niya kanina?At ganun ang reaction nito..

"Wag mo namang sirain ang pinto ng kwarto ko." Bungad niya dito.

Pero hindi nito pinansin ang sinabe niya. Pumasok agad ito sa kwarto niya.

"May masakit ba sayo? May balak ka bang magbigiti? Maglaslas o tumalon sa bintana? Sumagot ka nga." Hysterical na tanung nito.

"Wala!"

"Kung ganun anong nangyare sayo? Nagahasa ka ba? Naholdap? ANO?"

"Mariel calm down. Walang nangyare saken. Okay?"

"Bakit nung tumawag ako sayo1 minute ago parang umiiyak ka?"

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now