These things right now shouldn't happen to the both of us. I wish everything was fine. I wish everything was normal. I wish it was only Ali and I in this world. I wouldn't ask for more if that happens, I was sure of that.

For some reason, my hope of bringing everything back to normal suddenly became blurry. My high hope of Ali's come back was starting to get shaken. Unti-unti akong nawawalan ng pag-asa na magiging maayos pa ang lahat. Dahan-dahang nawawala ang pag-asa ko na babalik pa si Ali at magiging masaya ulit ako. I was also starting to forget the feeling of being happy and at peace.

Matapos na sana ang lahat ng ito. Pagod na pagod na ako.

Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa madaanan namin ang isang kilalang drug store. Pinahinto ko kay Carlson ang sasakyan sa tapat no'n at tinanaw ang loob mula rito sa loob ng sasakyan. Napalunok ako. Nilingon ko si Carlson at naabutan ko siyang magaan ang pagkakatitig sa akin. Like he understood what I wantend and what I felt. Tumango siya sa akin at tipid na ngumiti.

"I'll wait for you here."

Pagkapasok ko ay nag-aalinlangan pa akong lumapit sa pharmacist na naroon. Maganda ang pagkakangiti nito sa akin pero hindi ako makangiti. Natatakot ako. Hindi ko alam ang gagawin. I was so young for this. I wasn't ready.

"How may I help you, Ma'am?" tanong ng babaeng pharamacist dahil nakatayo lang ako roon at tulala.

"U-Uh... C-Can I have two different b-brands of p-pregnancy test, please?"

Nalaglag ang panga nito na para bang nagulat pa sa gusto kong bilhin. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang katawan ko bago awkward na ngumiti sa akin.

"S-Sure, Ma'am! Wait lang po."

Nawala ito sa paningin ko at wala pang isang minuto nang bumalik, dala-dala ang dalawang kahon. Pareho kong binili ang magkaibang tatak ng pregnancy test at saka nagpasalamat sa babae. Pagkabalik ko sa sasakyan ni Carlson ay tahimik lamang ako pero ramdam na ramdam ko ang paninimbang sa ekspresyon niya. Wala nang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay.

Itinago ko ang dalawang kahon sa pinakailalim ng bag ko at bumaling kay Carlson upang magpaalam. Mula sa bag ko ay umangat ang mga mata niya sa mukha ko.

"Get a lot of rest and always take care of yourself, Gabe."

Tumango ako at nagpasalamat bago bumaba at pumasok na sa bahay.

*****

Natulala ako sa dalawang bagay na nasa magkabilang palad ko. Wala sa sariling inilapag ko ito sa lababo. Itinukod ko ang parehong siko ko sa sink at napahawak sa ulo ko. Gaya ng inaasahan ko na ay sunod-sunod nang nagpatakan ang mga luha ko at nagsimula ang aking paghikbi.

Napatungo ako habang lumuluha. Why now? Why this time of my misery? Gulong-gulo na ako! Hindi ko na nga alam ang gagawin ko ay ganito pa!

Pregnant...

I was carrying Ali's child. I was carrying a Velleres. Kahit anong sabi ko sa sarili kong ayos lang ito ay hindi ko pa rin maiwasang matakot. Papano kung hindi ito matanggap ni Daddy? Paano kung magalit siya dahil imbes na pag-aaral ang iniintindi ko noon ay puro pagsama kay Ali ang inaatupag ko.

At ano ang sasabihin nina Tita Carmina at Tito Rigor kapag nalaman nila ito? Would they're perspective of me change? Ayos lang kaya sa kanila na nabuntis ako ng anak nila kahit pareho kaming hindi pa nakakapagtapos?

Sumasakit ang ulo ko sa sobrang frustration. Nai-stress na ako! Kung sana ay nandito si Ali upang damayan ako. Kung sana ay sabay namin itong hinaharap ng magkasama... baka alam ko kung anong magandang gawin.

Femme FataleTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang