My Arrogant Future Husband, Once Again

2.4K 58 28
                                    

Hahahahahok ^o^ HAPPY 100K reads *sabog confetti sabay tambling*
At dahil diyan.. May pa special chapter si Mayora 😍 Yiiiieeee


P.S Antok na antok talaga ko ng ginawa ko 'to 😓😅 Kaya pasensya na sa typo at sa kung ano pa man ✌🏻







=============
My Arrogant Future Husband, Once Again.







LEXIE.



Ambilis ng panahon..


Parang kelan lang, naiingit ako kay Keila.

Lalo na sa twing makikita ko ang super duper cute na si Avenie. ^.^

Pero ngayon eto...

Hirap na kong lumakad, lalo na ang bumaba ng hagdan. T^T

Pero infairness..thankful ako kase natupad ang matagal ko nang wish! Hikhik.
Ang wish ng lahat ng babae..

Goodbye, baby bra na ko ^.^ And hello size 32 ^_____^



Kaso lang, kasing lapad narin ako ng cabinet namin..Di na ko sexy para kay Irog. Huhuhu. T^T



Tapos naming ma-confirm sa OB na buntis nga ako, although regular ang check up ko, never naman akong nagpa ultrasound. Para surprise kung ano si Baby ^_^

Ay hindi..mali.mali!!

Tao si Baby syempre. Hehe..


Yung gender lang ang surprise. Baka isumpa ako ni Irog kapag naging itik ang anak namin.

*nagdasal* "Wag naman po sana Papa G.."


Panay balot kasi ang kinakain ko. Ensherep eh.. ^o^ Lalo na yung balot na baby pa ang sisiw.. tapos isasawsaw sa suka na maraming maraming sibuyas *gulp*

Iniingatan ko lang magtagpo yung landas namin ng itik na naka death glare..Takot ako! Huhuhu T^T

Supportive naman si Irog sa lahat ng pagkaing gusto ko. Actually, hindi lang siya..Kundi ang buong pamilya namin, supportive silang lahat. Pati yung mga friends namin, minsan nabubulabog ko sila.

Sa sobrang supportive ni Irog, naiinis pa siya kapag hindi siya ang ginigising ko. Minsan kasi, depende sa kung sino ang gusto kong makita., si Eirol o kaya si Fritz ang tinatawagan ko at pinapabili ko ng pagkain.


Pero ito ang matinding pinagtampo sakin ni Irog.. Hehe..


Dumating yung time na ayaw ko siyang makita sa loob ng two days. Asar na asar talaga siya kasi hindi ko siya pinapapasok sa kwarto namin!
Tapos kapag siya ang nagdadala ng foods ko, hindi talaga ko kumakain. Gusto ko, si Eirol!

Yung habang kumakain ako, nakatitig ako kay Eirol. ^__^


Nung natapos yung two days na yon, pakiramdam ko, miss na miss na miss ko talaga si Irog. Pagka kita ko sa kanya, pinupog ko talaga siya ng halik sa buong mukha, tapos gusto ko..lahat ng pagkaing gusto kong kainin, siya ang kakain para sakin!
Hehehe. Di naman siya nagreklamo.


Ay, hindi nagreklamo pala siya, one time!

Nung time na yun kasi..natutulog na kami nun eh, tapos bigla akong nanaginip ng malaking alimango. Nyahaha.

Ayun! Nagutom ako bigla.

Ginising ko siya at inaya sa night market, nung una hindi naman siya nagreklamo kahit madaling-araw na at ikot pa kami ng ikot sa paghahanap ng alimangong maganda sa paningin ko ang balat.

My Arrogant Future Husband [ COMPLETED ] #Wattys2018 Where stories live. Discover now