MAFH3 : DOEA

6.2K 140 11
                                    

Chapter 3 : DOEA

Andito na kami ngayon sa park. Napalayas kasi kami sa Canteen sa ingay namin. Haha. Panay kasi ang pagpatawa ni Raven kanina.

"Choto mate lang mga sisteret.." Awat ni Raven kaya napahinto ako sa pag-upo. Naka lutang ang pwet ko sa ere. (Trans: Teka lang mga sister) "Kanina pa tayo magkakamadra--aish.. I mean kanina pa tayo magkakasama pero di ko pa alam ang mga pangalan niyo" Naka pout na sabi niya. At ang cute niya mag pout! Hihi.

"Allexandra Lein Domingo ang pangalan ko. Pwede mo kong tawaging Lexie pero kung tinatamad ka kahit Lex lang okay na" mabilis kong sagot sabay upo. Nakaka ngawit ang posisyon ko e. Haha.

"Im Keilene Martin you can call me Kaikai" Mukha ngang gusto ni Chams si Raven. Kilala ko yang si Chams, hindi kaya siya nagbibigay ng nickname kahit kanino.

"Im Keila Martin, as you see twins kami ni Kai, and you can call me Lala."

"Wow..ang gaganda naman ng mga pangalan niyo!" Napalakpak na sabi ni Raven saka pabulong na nagtanong. "Eh si BabyMilk, anong pangalan niya?"

"Ha? Sinong?" Litong tanong ni Keila.

Baby Milk. Baby. Bata. Milk. Gatas.

Aha! Alam ko na!

Malaki ang ngiting tumingin ako kay Raven. "Alam mo Raven, sabi sa balita mas effective daw ang gatas ng ina."

"HA?" Takang tanong nilang tatlo. I roll my eyeballs. Ano ba naman sila, parang yun lang di rin nila alam? Tsk. Ayaw kasing manunuod ng TV e. Ngumiti ako sa kanila. "Ang simpleng bagay di niyo pa alam. Buti kaya kong ipaliwanag senyo.." Para silang mga wala sa sarili na sabay sabay tumango.

"Ayon sa sabi sabi, mas mainam daw ang gatas ng ina para sa sore eyes, kaya ikaw--sabay turo kay Raven. "-Wag ka ng mang gutom ng bata. Dahil sure na effective ang gatas ng ina. Pero ito ang tandaan niyo--tingin sa kanila isa-isa.
"Na ang gatas ng ina ay hindi gamot at hindi maaring gamiting pang gamot sa anumang uri ng sakit" Hays. Buti nalang talaga at mahilig akong manuod. Atleast,
nai-share ko sa mga kaibigan ko ang mga natutunan ko.

Tumingin ako sa tatlong mukhang nagulat sa mga nalaman nila. *iling* Yan kasi, kung sila ba naman nanunuod ng tv paminsan-
minsan edi sana hindi na sila na shock. Tsk!

"Pft. San mo naman nalaman yan?" Tanong ni Keila na di ko maipaliwanag ang mukha. Parang natatawang naiihi na ewan.

"Thank you.." Sabi ko kay Justine ng abutan niya ko ng mountain dew in can.

"Welcome. Ano meron dito? Bat ganyan itsura nila?" Sagot niyang tinuro yung tatlo.

*shrug* "Nag share kasi ako ng kaalaman"

"Talaga? Paulit naman.." Excited na sabi ni Justine.

My Arrogant Future Husband [ COMPLETED ] #Wattys2018 Where stories live. Discover now