MAFH7 : Eidam

3.2K 69 2
                                    

MAFH7 : Eidam.

Lexie.

Asan na yun? Huhu.

Naibuhos ko na ang laman ng bag ko pero di ko parin makita yung sulat. TT^TT

Tinignan ko na rin sa closet, sa drawer, sa kitchen, sa doghouse ni baby Maidie pati sa basurahan pero di ko pa din makita yung sulat na ginawa ko!

Pano kung may ibang makakita nun at ibigay kay Eidam? Waa.. T_T

Parang sa bahay namin tumama ang mata ng bagyo sa sobrang kalat. Lumapit ako sa sofa at kahit mabigat, pinilit kong itulak ang sofa saka dumapa sa sahig at sinilip ang ilalim.

Hinga, Lex. Wag masyadong mataranta.

Pumihit ako pahiga saka nakadipang tumingin sa ceiling habang pilit na iniisip ang mga ginawa at pinuntahan ko kanina.

[Krook. Krook..]

"Ay anak ng palakang nangingisay!" Napa igtad ako sa gulat habang nakahawak sa dibdib ko. Buiset. Ang lakas ng tibok ng
puso ko.

Yung feeling na ang tahimik ng buong bahay tas busy ka sa pag isip biglang tutunog ang message alert tone ng cellphone mo?

Buti nalang wala akong sakit sa puso.

Patamad kong hinugot ang cellphone ko sa bulsa at tinignan kung sino ang nag text.

From : Fritziball

Vikings tayo! Sunduin kita Lexieloves. On the way na ko. <3

*sigh* Malas naman tyumempo nitong si Fritz. Ngayon pa nag aya mag bike kung kelan wala ako sa mood. :(

Nag type ako ng reply.

To : Fritzball

Wala ako sa mood. Saka flat ang gulong ng bike ko. :(

Hindi ko pa naibababa ang phone ng pumasok ulit yung text ni Fritz.

From : Fritzball

Vikings hindi biking! Haha. Ang cute mo talaga, Lexieloves :3 Lapit na ko. Mag bihis ka na. Labyu <3 :3

Napayuko ako para tignan ang suot ko. Pedal shorts at hanging blouse. Hindi naman ako naka hubad ah!

Tss. Ano palagay sakin ni Fritz walang damit?

Umupo ako't inayos ang medyo nagulong pusod ng buhok ko bago tumayo at hinila pabalik ang sofa saka pabagsak na naupo ulit.

Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Nilibot ko ng tingin ang buong bahay. Ang kalat! Yare, ako nito kay Papsy mamaya!

Mabilis akong tumayo't inayos yung ibang gamit. Mamaya ko na aayusin ang kwarto ko. Papunta na ko sa kusina ng biglang tumunog ang doorbell kaya bumalik ako para buksan ang pinto.

Si Fritz.

May hawak siyang bouquet ng pink rose at malaki ang ngiting tumingin sakin.

"Para sayo, Lexieloves.." Aniya sabay abot ng bulaklak. "S-salamat. Pasok ka!" Aya kong niluwagan ang bukas ng pinto.

Ano kaya ang feeling kung si Eidam ang mapagbuksan ko ng pinto na may hawak ding flowers?

Kyaaa. Isipin ko palang kinikilig na ko.
Hihi. *giggle*

My Arrogant Future Husband [ COMPLETED ] #Wattys2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon