MAFH58 : Man to Man

1.4K 29 0
                                    

Miss rosettenual thank you so much for your support ^.^



Chapter 58 : Man to Man.






FRITZ.



"Arrrggghh.." Bigla akong napabangon pero mabilis ding napabalik ng higa nang maramdaman kong may tumusok sa braso ko. "Aisssshh..." inayos ko yung dextrose saka marahang umayos ng upo at sumandal sa headrest.



Alam kong nasa ospital ako. Puro pasensye ang nakikita ko eh.. Ang hindi ko lang alam e kung bakit ako napunta dito.



Ang huling tanda ko, andun ako sa loob ng naupahan kong private room sa isang beach resort.



At kung bakit ako napunta sa isang resort?....












~FLASHBACK~

( EIDAM & LEXIE HOSPITAL SCENE )




Nanlalatang napadausdos ako ng upo sa sahig pagkatapos kong marinig ang lahat ng sinabi ni Eidam kay Lexieloves.



Pakiramdam ko, nag blanko ang buong paligid.



Wala na kong ibang maintindihan.. Hindi ko na rin alam kung anong mga sumunod na nangyari.


Ang tanging nag- echo lang sa isip ko sa mga oras na'to ay ang mga sinabi ni Eidam. Ang pag amin niya ng nararamdaman niya kay Lexieloves at ang sakit na nararamdaman ko.



Ngayong umamin na si Eidam...


Ano pang magagawa ko?


Ano pang magiging silbi ko?


Alam ko namang sa umpisa palang wala na kong pag-asa. Na sa umpisa palang, Eidam at Lexie love story na.. pero umasa pa din ako..

Sumugal.


Dahil mas malaki ang pagmamahal ko kay Lexieloves kesa sa takot kong masaktan.





"Let's go..." Napatingin ako kay Justine na mukha ring malungkot. Inaalalayan niya kong tumayo. "Uminom nalang tayo."


Blanko pa rin ako kaya hindi ako kumibo at nagpatangay lang sa kanila ni Eirol.








( UNDERGROUND BAR )




~Di nako aasa pang muli
kung ikaw ay babalik
saka na lamang ngingiti
tandaan mong mahal kang talaga
tanging ikaw lamang
nasa aking ala-ala....




*sigh*

Dinampot ko ang baso ng beer sa harap ko saka in-straight ng inom ang laman.


Haist.. siguro sa mga oras na'to super saya na ni Lexieloves..

Kunsabagay, bakit ang hindi? Natupad na ang pinaka pinapangarap niya...


Mahal din siya ng taong mahal niya..


Napangiti ako ng mapakla.


My Arrogant Future Husband [ COMPLETED ] #Wattys2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon