MAFH29 : Dear Future Husband

2.3K 52 2
                                    

Chapter 29 : Dear Future Husband

Xander.

"Ay anak ng pusa!" Gulat na sabi ko. Napatingin ako sa nasalong baso ni Eidam saka nilapag sa counter. "Ano ka ba naman, anak muntik na kong atakihin sayo.." Dito ko dumiretso sa kusina para uminom ng tubig at akala ko ako lang ang tao kaya laking gulat ko ng pagharap ko nakita kong nakatayo si Eidam sa harap.

"Pft. Sorry po Tito.." tumango ako saka binuksan ulit ang ref at kumuha ng dalawang beer. Inabutan ko si Eidam ng isa. "Pero--Okay lang yan. Binata ka na. Saka di ka naman malalasing diyan. Akong bahala sa Papa mo" Putol ko sa sasabihin niya.

Naglakad ako palapit sa dining table at humila ng bangko't naupo. Sumunod naman si Eidam na naupo sa tabi ko.

"Gusto mo bang ipagluto kita ng pulutan?" Alok ko. Tumanggi naman siya't lumakad pabalik sa ref at may kinuha.

Pagbalik, may bitbit siyang hotdogs at onion saka lumapit sa lababo't naghiwa.

"Ako na diyan, Hijo"

"Ako na po Tito, magpahinga muna po kayo. Kamusta pong business?" Napangiti ako saka tumungga habang pinapanuod si Eidam sa ginagawa niya.

"Okay naman. Masyadong busy nitong mga nakakaraan.."

"Ibig sabihin lang po nun, malakas ang business dahil kundi po kayo busy, malamang walang tao.." Nagkatawanan kami ni Eidam pero sumeryeso rin ako maya-maya.

Pansin kong nakita niya ang pagpapalit ko ng expression. At sumeryoso din siya. Dinig ko rin ang pagpapakawala niya ng buntong hininga bago ngumiti ng maliit.

"Sabihin niyo na po, Tito.."

Tumungga ako ulit ng beer saka nakangiting tinignan si Eidam.

"Gusto ko lang sanang magpasalamat at mag sorry sayo."

"Po?"

"Sorry kung ginugulo ka ng anak ko at salamat kasi siniguro mong ligtas siya nung araw na magkasagutan kayo. At salamat dahil alam kong ikaw ang nagligtas sa kanya dun sa lumang building.."

"Pano niyo po nalaman yun?"

"Yung sa lumang building? Narinig ko ang usapan ng mga kaibigan ni Lex. At ikaw ang iniisip nilang gumawa nun.. Pero ako, naisip kong ikaw ang nagligtas sa kanya."

"Tito pwede pong humingi ng favor?"

Marahan akong tumango. "Ano yun?"

"Pwede po bang wag niyong sasabihin kay Lex ang tungkol dito?" Hindi ako kumibo.
Basta nakatingin lang ako sa kanya. Mukhang nagets niya naman na hinihintay ko ang paliwanag niya. "Ayoko po kasing magkaroon si Lex ng ibang kahulugan sa ginawa ko. Ayoko pong saktan ang anak niyo.."

My Arrogant Future Husband [ COMPLETED ] #Wattys2018 Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum