MAFH8 : Version 2.0

2.9K 76 2
                                    

MarkRowell Hi Kuya :) Thank you :3

Chapter 8 : Version 2.0

Lexie.

"Omygosh, nilapitan siya ni Eidam!"

"Ang swerte nung babae!"

"Uy, pre si Eidam oh may chix!"

"Video mo dali!"

Bukod sa bulungan ng mga tao sa paligid, nabibingi na rin ako sa lakas ng kabog ng puso ko.

Pakiramdam ko nga sa sobrang lakas, gustong makawala ng puso ko sa ribcage eh!

Hanggang sa unti-unting naglaho ang mga tao sa paningin ko at kaming dalawa lang ni Eidam ang natira.

Nginig ang kamay na kumapit ako sa mesa para kumuha ng lakas saka marahang tumayo't humarap kay Eidam.

Ngumiti naman siya. At muntik na kong bumagsak kundi lang ako napakapit dahil sa isang ngiti niyang yun.

"Tch. Bukod sa pagiging boba lampa ka din pala?"

Ha? Ano bang--clueless na pinanuod ko lang si Eidam na may dinukot sa bulsa niya.

At literal na nanlaki ang mata ko ng makita kung ano ang hawak ni Eidam.

"Pa-pa-panong napunta sayo yan?" Tanong kong nakaturo sa sulat na kahapon ko pa hinahanap.

Sinasabi ko na nga ba!

"Ah..eh..hi-hindi mo pa naman nababasa yan diba? Sabagay, hindi mo naman talaga yan babasahin kasi hindi naman yan par-para sayo.."

"Hindi ba 'to para sakin?" Aniya saka binuksan ang sulat. At binasa "Sean Eidam Gonzales ang pangalan dito oh.." Dagdag niya saka hinarap sakin ang papel.

Napalunok ako ng sunod sunod saka yumuko.

"To Sean Eidam Gonzales aka Future husband..talaga? Future wife kita? Tss. Kung ikaw ang maging future wife ko, magpa pari ako."

"Hahahahaha"- crowd.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang mapaiyak.

"Alam mo ba una palang kitang makita, nasabi ko sa sarili kong ikaw ang future husband ko. Talaga? May kakayanan ka palang makita ang future? Bat di mo gamitin yan para maka graduate ka?"

"Hahahahahahahaha"

"Ano ba naman yan, nakakahiya naman"

"Kapal ha, future husband niya raw si Eidam! Hmp!"

Inikom ko ang kamao ko habang nanatiling nakayuko. Ramdam ko na din ang pag iinit ng sulok ng mga mata ko.


Justine.

Tatayo na sana ko para suntukin ang walangyang si Eidam pero hinawakan ni Raven ang braso ko at umiling.

My Arrogant Future Husband [ COMPLETED ] #Wattys2018 Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ