MAFH53 : Wrong time

1.2K 35 0
                                    

Chapter 53: Wrong time.



EIDAM.


That's ridiculous!


ME? As in me? Inlove with Lexie?

Hah! Sherene must be out of her mind! Tss.. ~,~













FRITZ.


Hala! O____o Asan na si Lexieloves?

Luminga ako sa paligid pero ni anino niya di ko makita. Kinalabit ko si Ronwell. "Si Lex?" tanong ko na sinagot niya lang ng kibit-balikat.

Aissssh... Walang silbi!

Binitiwan ko yung hawak ko saka lakad-takbong lumapit sa iba naming classmates na busy sa pagtanggal ng mga ginamit na maze at drums kanina sa championship game.

"Hoy, ikaw!" turo ko sa napadaang taga ibang section sa harapan ko. "Nakita mo ba si Lexieloves?" Umiling naman yung lalaki.

Aish! San ko ba hahanapin si Lexieloves?

Kinakabahan na talaga ko at kung ano ano nang masasamang pangyayari ang pumapasok sa isip ko.


"Uy Fritz san ka pupunta hindi pa tayo tapos di-----Pasensya na. Pero mas importante to!" Sigaw ko saka tumakbo na palayo.











BULLY.


I can't help but sigh while looking at my mom's back.

Kagabi pa siya ganyan. Hindi na nga din nakapag paalam sina Stupid bago umalis dahil nag lock na dito sa kwarto. Si Papa nga, sa kwarto ni Kuya Eidam nakitulog since wala naman dito sa bahay si Kuya at nasa hospital pa.
Speaking of, mas pinili kong dito muna sa bahay dumiretso bago dalawin si Kuya para nadin maaya ko si Mama at nang masikatan naman ng araw, even though palubog na ang araw.


"Ma----napahinto ako sa pagtawag ng makarinig ako ng pag-iyak. "Mama..." naawang tawag ko pero patuloy pa rin siya sa pag iyak habang nakatalikod sakin.


Hahakbang palang ako papasok ng kwarto ng marinig kong magsalita si Mama kaya huminto ako.

"Gu-gusto ko munang magpahinga."


"Ma, hindi ka po ba sasama saking dumalaw kay Kuya?" I honestly don't get it. Bakit ba masyadong dinaramdam ni Mama ang pag-alis nina Stupid sa bahay? Like duh..my brother was in the hospital. Diba si Kuya ang mas dapat niyang intindihin at asikasuhin?

"Okay lang ang Kuya mo dun. Saka hindi pababayaan ni Sherene yun."

o______O Si Mama ba talaga yun?

"Pero----Sige na. Magpapahinga na ko. Dumalaw ka sa Kuya mo kung gusto mo sabihin mo nalang na masama ang pakiramdam ko."

*sigh* Pinanuod ko nalang si Mama na nagtalukbong ng kumot bago ko nagpasyang lumabas na ng kwarto.











RAVEN.



"Ang cute mo rito beshie oh! *turo sa picture* mukha kang itik nung sinaunang panahon! Hahahahahahaha." Lalo akong natawa ng mag pout ulit si Besh Keila.

After naming matanggal lima sa game, sa photobooth na kami agad dumiretso. Nag-iinaso (nag-iinarte) pa nga si Keilene pero wit siya panalo sa kagandahan ko! Kaya natuloy ang aming picture-picture bonding. Hihi ^.^


My Arrogant Future Husband [ COMPLETED ] #Wattys2018 Where stories live. Discover now