MAFH11 : Attitude

2.7K 66 6
                                    

Chapter 11 : Attitude

Fritz.

Pasimple kong lumunok. Poteks! Nakakahiya talaga tong gagawin namin, pero para kay Lexieloves lahat kaya kong gawin. Dahil ang tunay na lalaki hindi mahihiyang gawin ang lahat para sa babae.

*Tango*

Inayos ko ang nakasabit na box sa leeg ko saka kinuha ang megaphone kay Ronwell at tumungtong sa flagpole stand.

"Hello Wishians!"--Bati ko. Naghintuan naman sa paglakad ang mga papasok palang na estudyante.

Okay. Kaya mo yan, Fritz! Fighting!

"O bago kayo matulala sa kagwapuhan ko, nakikita niyo ba ang box na'to--*turo sa box*--Gusto sana naming humingi ng tulong sa inyo. Napanuod niyo naman siguro ang nangyari sa isa nating kaibigan."






Lexie.

"Pwede ka namang hindi pumasok, Chams" Ngumiti lang ako kay Chams at nagpatuloy na sa paglakad.

Kung tutuusin ayoko rin sanang pumasok. Pero naisip ko, makakasikip lang ako sa Foodhouse kaya naisip kong mas okay ng pumasok.

"Powerpuff girls! Bilisan niyo!!" Nagkatinginan kaming tatlo ng kambal saka bumaling sa humahangos na si Raven.

"Baket?"

"Nako..wag na madaming kuda. Leggow!" Hila ni Raven samin.







Fritz.

"Tatanawin po naming isang malaking utang na loob ang pagtulong niyo. Maraming mara--napahinto ako sa pagsasalita ng makilala kung sino ang naglalakad sa likod ng umpukan ng mga estudyante.

"IKAW!" - Sigaw ko sabay turo. Naglingunan naman ang mga tao. Pero mukhang wala pa rin siyang pakelam. Kaya inulit ko ang pagtawag. "HOY, IKAW! SEAN EIDAM GONZALES!"

Tss. Kailangan buong pangalan pa! >_<

Huminto siya sa paglakad pati yung kasama niya saka tumingin samin. Patalon akong bumaba at naglakad palapit sa kanila.

"Tsk. Wala ka pala talagang konsyensya.." Nailing na sabi ko. Tsk. Sarap bangasin ng mukha nitong lalaking 'to!

"Solicit? Bawal yan ah!" Aniyang umiling saka akmang lalakad ng magsalita ako ulit. "Ang solicit, naka sobre. Tulong to. Tulong para sa babaing ipinahiya mo!" Sabi ko sa megaphone.

Nagbulungan naman yung mga tao.

"Tss. Hindi ba mas nakakahiya yang ginagawa mo kesa sa ginawa ko?"

*pout* Nakakahiya nga..

Pero.. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tss. Hindi ko alam kung wala ka nga talagang alam o nag mamaang-maangan ka lang!" *smirk* "Wag mong sabihing hindi mo alam ang nangyari? Mayaman ang pamilya mo diba? Wala ba kayong tv?"

My Arrogant Future Husband [ COMPLETED ] #Wattys2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon