MAFH36: Girlfriend

2.6K 50 5
                                    

Eidam & Sherene on multimedia =>>




Chapter 36 : Girlfriend



Raven.

"Kapag ba sumakit ang ulo ko tas sumakit ang bewang ko, sexbomb na ba ko?" Pft. Natatawa talaga ko sa mga 'kapag ba' status na nababasa ko sa facebook e. Kaya ito ginagaya ko. Hahaha.

"Kapag ba inaway ko ang daan, street fighter na ba ko?" Katuwa talaga tong si Keila.. Kayang sakyan ang mga trip ko. Haha.

"Tss.. Ano bang mga pinagsasasabi niyo?" Nagkatinginan kami ni Keila saka sabay na tumawa. Iba na talaga ang napapag iwanan ng panahon. Hahaha. I tap Justine's shoulder. "Mag online ka kasi minsan. Pft. Ano, bulukan ng account?"

"Hahahahahaha. Oo nga naman Justicio, sayang effort ni Lex na gawan ka ng facebook bubulukin mo lang!" *nod* "Oo nga Babymilk..mag status ka den pag may time"

Nag online lang ata siya nung in-accept niya ang friend request ko. Take note, pinilit pa namin siya non! Psh.

"Eeehhh?" Napahinto kami sa paglakad saka takang tumingin sa mga estudyanteng nakapa ikot sa malawak na quadrangle.
"Anong meron, Ate?" tanong ko sa isang student na napadaan.

"Ewan--She shrug--Parang dating mag boyfriend nagkabalikan.." aniya sabay alis.

"Waaaaa... Baka parang meant to be! Ang sweet!" Tili ni Lex saka tumingin samin. "Tara, nuod tayo bilis!" Psh. Mimosa talaga tong lukaret na to. Hahaha.

Walang nagawang napasunod nalang kami ng hawakan niya kami ni Keila sa braso at hilahin papunta sa mga estudyante sa gitna.

"Excuse me po..makikiraan.." dinig kong sabi ni Lex habang hinahawi yung mga students. Nilingon ko sina Keilene at Justine na naiiling na nakasunod lang.

"Waaa...kita na nate--E-eidam?"

Mabilis akong napatingin sa harapan pagkarinig sa sinabi ni Lex.

Anong ginagawa ni Sherene dito sa Wish High? *iling* Mali. Anong ginagawa nilang dalawa?

Nakapamulsa ng tayo si Eidam sa harap ni Sherene, tas naka yakap naman si Sherene kay Eidam. Yung mukha niya nasa dibdib ni Eidam.

"Lexiegirl--bulong ko sa tahimik na si Lex--tara na. Wag na naten silang--Hindi. Okay lang ako. Tignan mo Ravena, ang ganda ganda niya pala lalo sa personal no?" Ani Lex na saglit akong nilingon saka tumutok ulit ang mata sa harapan.

"Anong--Psh. So kailangan sa gitna pa sila maglandian?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Keilene na masama ang tingin dun sa dalawa.

"Tara na Lex.. Wala naman tayong mapapala sa kanila.." Hindi ko na hinintay sumagot si Lex at hinila ko na paalis.

Saktong nakaalis na kami sa umpukan ng mga estudyante ng makasalubong namin si Eirol.

"Hi Lex!" Bati ni Pinsan saka tumingin sakin. I shrug my shoulders and sigh. "Ahm, Lex pwede ka bang makausap?"

My Arrogant Future Husband [ COMPLETED ] #Wattys2018 Where stories live. Discover now