"Okay. Hindi ko sasabihin pero Rain, bakit mo ba ginawa 'yun?" Tanong ko. Alam kong alam na alam niya ang tinutukoy ko.

Napatingin siya sa akin pero mabilis din siyang napayuko. "He courted me for almost a week and I thought it's real. Alam mo namang sobrang naging masakit 'yung mga past relationships ko di ba? Lagi na lang ako 'yung naiiwan. He seems so real Snow. Sinusundo niya ako sa school. Dinadalhan ng flowers, chocolates. Lagi niya akong tinetext at sinasamahan kung saan. Akala ko totoo yung nararamdaman niya pero hindi pala. Bakit ganon? Limang libo lang ba ang halaga ko? Alam kong maikling panahon lang kami nagkakakilala pero may something sa kaniya na minahal ko talaga."

She's crying again! Hinimas-himas ko ang likod niya.

"Hindi ko alam basta masakit. Oo maraming di makakaintindi sa nararamdaman ko, alam ko maraming nagsasabing ang tanga ko pero ano bang magagawa ko? Ito yung nararamdaman ko, nasasaktan ako."

"Shh. Tama na 'yang iyak, Rain. Walang 'yang magagawa. Pinagbigyan na kita ng tatlong araw kaya sana naman sapat na 'yun. Tumigil ka na. Tama na." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Ako na mismo ang nahihirapan sa sitwasyon niya. Parang ako yung napapagod sa kakaiyak niya.

Tumingin siya ng diretso sa akin. Tinitigan niya ako sa mata. "Snow.. can you please do me a favor?"

Nginitian ko siya. "Anything for you, Rain. Anything."

"Gantihan mo siya. Wag na wag kang titigil hanggat hindi siya umiiyak at nasasaktan. Masakit, Snow at gusto ko maranasan niya kung gaano din kasakit itong nararamdaman ko." Her eyes were pleading and the only thing I could is to nod. Iyon naman talaga ang plano ko di ba? Ang gantihan at warakin si Miguel.

**

Ibinaba ako ni Ver sa tapat ng Ford Academy. Papasok na sana ako ng gate nang may bumusina sa likod. Pagkalingon ko, yellow BMW ang sumalubong sa akin. Napangisi ako. Sa nakalipas na dalawang araw, naisip kong walang patutunguhan ang galit ko kay Miguel. Dahil una, hindi nun maibabalik ang lahat ng luha at dugong nawala kay Rain. Pangalawa, baka maipagkanulo ko pa ang sarili kong plano dahil sa galit ko sa kaniya at pangatlo, hindi ko maisasagawa ang balak ko kung galit ako. Oo may karapatan akong magalit pero hindi ko dapat 'yon ipahalata.

"Hop in?" Naka-wayfarers na Miguel Patrick Robles ang nagsabi nito. He was smiling from ear to ear and he was damn happy. But I know the hapiness won't last long. Later on, that source of hapiness will ruin him.

Ngumiti ako ng matamis. "Sure."

I was about to open the door for front seat when the window rolled down. A smiling Jana greeted me. "Hi Snow!"

"Oh hi Jana." Pumasok na ako sa likod na pinto. Again, nililigawan nga pala siya ni Miguel.

Inamoy ko ang paligid. "Nagbago ka ba ng air freshener, Migs?" Tanong ko.

"No. Why?"

"The last time I was here, it smelled vanilla but now it smells like chocolates." Nagtataka kong tinignan ang dalawa.

[Discontinued] Karma's a Bitch and so is SnowWhere stories live. Discover now