Chapter Twelve

331 2 0
                                    

June 6, 2010

Kriiing! Kriiiing! 

Tumunog yung alarm clock around 6:30 AM. First day of classes bilang sophomore student. Kinakabahan ako dahil makikita ko na naman si Bea. Mahal ko pa din talaga siya kahit anong gawin ko, kaya desidido akong ligawan siya ulit at ipapangako na magbabago na ko para sa kanya.

Naghanda na ko para pumasok sa school. Iba na naman ang mga kaklase ko. Pero nasanay na ko simula nung first year. Best class kasi ako dati nung grade school pa lang ako, so medyo nagadjust ako this highschool. But naaadapt ko na ang attitude ng mga hindi naging best class dati. Marunong naman kasi akong makisama. St. Therese nga pala ang section ko.

Sa classroom, 

Nagpakilala na kami isa-isa sa classroom. As usual, ganyan naman lagi ginagawa every school year. Nakakabanas! As in damn! Do we need to do this every year? Nalungkot ako kasi hindi ko kaklase si Bea pero medyo natuwa na din kasi katabi ko lang yung classroom nila. So pwede ko siya makita every break.

Iniisip ko kung may feelings pa din kaya siya sakin hanggang ngayon. Papayagan niya ba ako ulit na ligawan ko siya? I hope so. I really love her and I'm willing to do anything just for her.

Days passed after the first day, meron akong classmate na newcomer. Marie ang name niya. I can't say na she's pretty because for me Bea is the prettiest. Naging crush ko siya a little, but not that. Pinilit kong ibaling ang atensiyon ko sa kanya para makalimutan si Bea. Pero hindi na naman nag-work. Ang dami ng dumaan na babae sa buhay ko simula nung patigilin niya akong manligaw sa kanya. I think it's time na ituloy ko na ulit ang panliligaw ko sa kanya.

-------

August 13, 2010

Ito na ang araw na tatanungin ko ulit siya kung pwede ba ulit bigyan ako ng chance. Kinasabwat ko yung tropa niya. Para naman at least may strategy ako kung pano gagawin. Periodic Test namin this day kaya okay lang na mag-usap kami. Half day naman eh. 

After ko magtest, pumunta na agad ako sa hall dahil dun ang usapan namin ng tropa niya. Siyempre bumili din ako ng roses para naman matuwa siya kahit papano sakin. 

After a few minutes, dumating na sila kasama yung tropa niya. Nakikita ko sa mga galaw niya na nahihiya siya sakin makipagusap. Parang nung first time namin magsabay ng lunch. I can't blame her for that. I hear her say,

"Nahihiya ako makipagusap sa kanya. Bakit ba? Ano meron? Di niyo man lang sinasabi sakin." with an irritating voice.

Nagalit ata siya dahil hindi sinabi sa kanya na makikipagusap siya sakin. Baka kasi pag sinabi ko sa kanya, hindi siya pumayag sa plano ko. That's why I said it ti her friends. Nag lakas loob akong lapitan siya para hindi na siya mailang sakin. Kung mahihiya kaming dalawa, hindi ko masasabi ang gusto ko sabihin.

Umupo siya sa may gitna ng hall. Sinundan ko siya at hinila ang upuan na katabi ng upuan niya. Lumayo na ang mga kaibigan niya para bigyan kami ng privacy. Yung iba umuwi na pero may dalawa pa namang natira.

I started the conversation w/ her.

(Play the song on the right. MORE THAN THIS)

"Hi. Musta na?"

"Okay lang..." sagot niya sakin na halatang hiyang hiya at nakatalikod pa ang mukha sakin.

"It seems that you're not okay. Galit ka ba sakin o sa mga kaibigan mo dahil di nila sinabi sayo tong pag-uusap natin?"

"No. I'm okay, really. Kung magtatanong ka, maniwala ka Tatanong tanong tapos hindi maniniwala.." she rolled her eyes.

Hindi pa din siya nagbabago. Ang sungit niya pa din sakin.

 "Sorry. May gusto lang kasi ako sabihin sayo eh."

"Ano naman yun?"

"Kung pwede bang bigyan mo ulit ako ng chance na manligaw sayo."

"Ba---"

Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya dahil alam kong susungitan niya na naman ako. Instead, nagtuloy tuloy lang ako sa sasabihin ko.

"Promise magbabago na ko para sayo. Hindi na kita mamadaliin. Maghihintay ako kahit kailan, basta maging tayo na lang. Pwede?"

"Ikaw bahala." tipid niyang sagot sakin. 

"May tendency kasi na sa ibang bansa ako magaral. Baka hindi ko na matapos ang second year life ko dito, kaya gusto kong humingi ng chance ulit sayo."

Tumingin siya sakin at biglang nalungkot. Unang beses kong nakita na ganun siya, dahil madalas ang sungit ng mukha niya pag kaharap ko. Hindi ko alam kung bakit siya biglang nalungkot. Ayokong mag-assume, pero handa akong masaktan para sa kanya.

"Kung bibigyan kita ng chance at mag-aaral ka sa ibang bansa, pano magwo-work ang relationship natin?"

"Hindi pa naman sigurado yun eh. May tendency pa lang."

"Sige. Pag-iisipan ko. Alis na ko ha? Sabay ka?" 

"Sige." 

Natuwa ako dahil parang may chance ulit na pumayag siya. 

Tumabi siya sakin at sinabing, "Wag mo kong titigan habang nag-uusap tayo sa personal dahil naiilang ako." she rolled her eyes again for the second time at naglakad ng mabilis.

Kahit ang sungit niya, mahal na mahal ko pa din siya.  I can love her more than this.

It Started with A JokeWhere stories live. Discover now