Chapter Three

655 9 7
                                    

So the truth is, iniisip ko pa din talaga yung ex ko. I don't know why I can't moved on when he have to do is to annoy me everyday and do silly things about me. 

"Hm, ewan ko hindi ko alam. Okay lang ako." Sinabi ko lang yun para tumahimik na sila, Kasi kapag hindi ko tinigilan lalo lang nila ako guguluhin. 

Habang nag-iimagine ako biglang tumunog yung CP ko.

From: Blue

"Uy, kita naman tayo sa hall."

To: Blue

"Bakit? Pero sige."

Nasa sportsfield kasi kami ng mga kaibigan ko nun eh kaya nagpaalam na ko sa kanila para sabihing pupunta ako sa hall. Matampuhin kasi yung mga yun.

"Uy, punta muna ko sa hall ha? Sama ko na to si Mica para may kasama ako pagbalik. Diyan lang kayo."

"Sige, ingat." sabi na lang ni Lisa.

Si Lisa nga pala isa ko pang kaibigan. Maganda siya, sexy. Hindi kami ganun ka-close. Tama lang, maasahan ko naman pag may problema ako. Mas close niya kasi sila Mica at Princess. Si Princess naman close ka na yan grade school pa lang, new comer kasi yung iba naming friendship. Sobrang maasahan pag may problem ka. Nagbibigay ng advice at gagaan loob mo. 

"Dude, sabi din ng boyfriend ko punta din daw ako ng hall." sabi ni Mica. 

"Oh? Tara puntahan na nga natin."

Ang boyfriend niya kasi tropa ni Blue. Si Aj. Sa tingin ko may binabalak yung dalawang magkaibigan na yun eh. 

Pagdating namin sa hall, andun na nga silang dalawa naghihintay kasama ang iba pa nilang kaibigan. Nilapitan ko na sila.

"Bakit niyo kami pinapapunta dito? Anong balak niyo?" sabi ko sa kanilang dalawa.

"Sakay naman tayo ng ferris wheel." sabi ni Blue sakin.

Nagdadalawang isip ako kung papayag ba ako o hindi. Tinignan ko si Mica, nagtwo thumbs up siya. Siyempre papayag yun, kasama boyfriend niya eh. Pumayag na lang tuloy ako.

"Sige, para sa kaibigan ko. Ikaw Aj, alagaan mo yang bestfriend ko ha? Sapakin kita." 

"Yes boss." sabi ni Aj sakin.

Pumunta na kami sa ferris wheel at pumila para kumuha ng ticket. Siyempre libre nila. Ang magkasama ay si Mica at Aj at siyempre ako at si Blue.

"Tara sakay na tayo, ikaw na mauna." sabi ni Blue sakin. Inalalayan niya ako sa pagsakay. Nung time na yun, ewan ko ba parang biglang na-fall ako sa kanya. By the way si Blue nga pala ay isang freshmen student din. Nagkakilala kami sa text dahil sa isang simpleng GM. Hindi siya yung tipo ng guy na gugustuhin ko. Matalino siguro siya dahil nasa best class siya last year. Mukha namang hindi bad boy. Chubby din siya, cute? Pwede na din. 

"Salamat." ang tanging nasabi ko na lang sa kanya.

Habang nakasakay kami sa ferris wheel,  hindi ako makapagsalita. Hindi kasi kami close sa personal, sa text lang talaga.  Bakit pa kasi kailangan kami pa yung magkatabi, ang awkward tuloy ng feeling ko ngayon. Medyo takot din kasi ako sa heights kaya nahihilo na ako. Hindi ko lang talaga masabi kasi HINDI NGA KAMI CLOSE. Ang malas naman eh. Pag bumababa ung ferris wheel, naiiwan kaluluwa ko sa taas. Unting unti na lang bibigay na ko. Sa wakas, tumigil na din yung ferris wheel. 

Pagbaba na pagbaba namin, tumakbo agad ako sa cr. Sobrang nasusuka na talaga ako that time. Lumabas na ako sa cr at nakita ko mga kaibigan ko pati siya nag-aabang sakin sa labas. Lumapit sakin si Blue.

"Okay ka lang? Sorry kung niyaya kitang sumakay doon. Di ko naman kasi alam na takot ka pala sa heights."

"Mukha ba akong okay?! Kita mong nagsuka ako diba?!!" 

Naiinis ako sa tanong niya, nakita na ngang nagsuka ako eh.  Umalis na ko sa harap niya. Naiinis talaga ako.

It Started with A JokeWhere stories live. Discover now