Chapter Eight

431 8 2
                                    

Nakalimutan ko pa palang baguhin yung name niya sa CP ko. Haha. Pero ngayon babaguhin ko pa lang. 

From: ANNOYING GUY FOREVER

"Kamusta? Nakauwi ka na ba? I love you always and forever :*"

Natawa ako doon sa pangalan niya kaya binago ko na ng totoong pangalan niya. "BLUE" naka CAPS LOCK pa. Special na kasi turing ko sa kanya ngayon, minsan annoying pa din siya pero nababawas bawasan naman na kahit papano. Nireplyan ko siya..

To: BLUE

"Yup. I'm home na, okay lang ako. Ikaw? :)"

Hindi ko pa masagot yung I love you niya kasi naman hindi pa kami eh. MU/mutual understanding na kami pag sinagot ko yung I love you niya. Kahit mahal ko na siya, ayoko pa din ng ganun. Ayokong isipin niya na napaka easy to get ko na girl. Gusto ko yung hard to get diba?

Tumunog yung cellphine ko at tinignan ko na siya yung nagtext.

From: BLUE

"Good to hear that you're home. Chat tayo. Online ka ha? I love you :*:)"

He never fails to say I love you to me through text. A don't know in personal. Hindi pa kasi kami nagkakasama eh. Sana nga magkasama na kami. :">

After I read his text, I open up my computer to chat with him. I log in to my yahoo mail then I wait up for him to chat me up. After a minute, 

Mr. Right:  Munch! Online ka na pala :-)

Wow! Mr. Right talaga dapat? Yabang niya ha. Saka yung "Munch" pala, tawagan namin yun. Siya nakaisip. Baduy noh? Pero okay lang, siya naman nag-isip eh. Hindi ako yung baduy. Siya yun!

CutieAeb: Yeah. So what's up? Bakit mo ko pinaonline? 

MR: Wala lang. I miss you. :c

CutieAeb: Hehe. Hmmmm, okay lang yan :)) nakikita mo naman ako sa school eh. Haha! 

Shizz! Gustong gusto ko sabihin na "I miss you too." Kinikilig ako, ewan ko kung bakit eh. Ang gulo. Parang sobrang nafafall na ako sa kanya. Pag nagmahal pa naman ako, sobra.

MR: Pero hindi naman kita nakakasama. Pwede ba sabay tayo bukas?

CutieAeb: Sure, basta kasabay natin tropa ko ha? Okay lang ba?

MR: Sure, mahalaga naman ikaw eh. :*

Aeb: Salamat. Sige, out na ko ha? Bukas na lang, ingat ka. Sige :-))

After namin mag-usap ni Blue, nag-isip na naman ako. Iniisip ko kung totoo ba talaga yung nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko ba siya ginagawang panakip butas or past time para makalimutan ko yung ex ko? Parang hindi naman. Oo, aaminin ko na may unti pa rin akong feelings para sa ex ko pero mas lamang ang nararamdaman ko ngayon kay Blue. Hindi ko alam kung bakit pero ganun talaga. Nakatulog ako habang nag-iisip tungkol doon.

Kinabukasan.. (Recess AM) Last Day of school na din namin.

"Uyy, sasabay satin mamaya si Blue ha? Okay lang ba sa inyo?" tanong ko sa kanila.

"Oo naman noh. Okay na okay nga yun. Salamat naman at nakapag-move on ka din sa wakas." sabi ni Rizzia sakin.

"Thanks guys."

 --------

Kriing! Kriing! Kriiiing!

Tapos na ang 4th subject namin. Lunch time na. Kinakabahan ako kasi sabay nga kami. Parang tambol yung puso ko sa sobrang kaba. Nakikita ko na kasi siyang hinihintay ako sa labas ng classroom namin. Parang gusto ko na mag back out. Sa sobrang kaba ko, hinila ko na lang si Lisa para sabay kaming lumabas ng classroom. Paglabas namin, nilapitan niya na ko.

"Yieeee! Lisa, bitawan mo na siya. Hayaan mo silang magsabay diyan. Haha!" asar ni Joy sakin.

Ito namang si Lisa binitawan ako, kahit kailan nakakainis sila. Palagi nila akong pinagututulungan. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya kakausapin kasi sumasabay na siya ng lakad sa akin. Yung mga magaling kong kaibigan iniwanan kasi ako eh. Napakagaling. Mabuti na nga lang pumayag itong si Blue na kasabay mga kaibigan ko, kung hindi mapapanis ang laway ko dahil buong lunch akong hindi makakapagsalita.

Hindi na kasi ako sanay na may kasabay na lalaki eh. Matagal na kong walang boyfriend. Mag one year na din kaya ganun na lang ang ilang ko at sobrang hiya ako. Nakakahiya naman ako.

"Uy." sabi ni Blue sakin sabay kalabit.

Dahil nga sa sobrang hiya ko, nagulat pa ako nung sinabi niya yon. Tumaas yung dalawang balikat ko. Nakakahiya naman itsura ko sa harap niya. Bakit ba kasi ako natetense? Urghhh. 

"O ba-ba-bakit?": sagot ko sa kanya. Nauutal utal pa ako. Ano ba yan.

"Andito na tayo sa canteen oh." sabi niya.

Sa sobrang kaba at hiya ko, hindi ko napansin na andon na pala kami sa canteen. Sa sobrang hiya ko, umupo na lang ako katabi ni Airra. Tumabi siya sa akin. 

Tinatawanan ako ng mga kaibigan ko, kasi nga sa kinikilos ko. Alam ko kung anong iniisip nila. 

"Naiilang ka ba sakin?" sabi ni Blue.

"Ahh. Hi-hi-hindi no. Hindi lang ka-ka-kasi ako sanay na may kasabay ulit akong lalaki. Sorry."

"Gusto mo umalis na lang ako? Para makakilos ka ng maayos. Saka para komportable ka na. Sa susunod na lang ulit."

"Okay lang ba? Sorry talaga ha?"

This time, hindi na ko nautal.

"Oo naman. Masaya pa din ako kasi nakasabay kita sa last day. Salamat ulit, sige ingat kayo. I love you." saka siya umalis.

First time kong marinig na nag i love you siya sakin sa personal kaya hindi na ko nakasagot pa at saka umalis na din naman siya agad.

Pagalis niya, tinukso na naman ako ng mga kaibigan ko. As usual.

"Bakit mo pinaalis yun? Akala ko ba sabay kayo?" sabi ni Andi.

"Nakakahiya kasi eh, hindi ako sanay."

"Halata naman kanina eh." sabi ni Airra. Sabay tawa.

Kahit kailan talaga, mapang-asar sila. Hinayaan ko na sila mang-asar at inisip ko na naman yung nangyari kanina.

Para siguro akong tanga nung naglalakad kami. Maybe right now, he's making fun of me because of what I acted earlier. Err. 

I have to say sorry later. Para naman hindi ako magmukhang tanga. 

It Started with A JokeWhere stories live. Discover now