Chapter Seven

417 6 0
                                    

Bakit ba ganito? Ang dali ko namang mafall. Nagkatotoo nga yung kasabihang "The more you hate. The more you love." Akala ko pa naman hindi yun totoo. Ano ng gagawin ko ngayon? Joke turns to truth. 

--------

Sa sobrang gulo ng isip ko, nanghingi ako ng advice kay Mica.

"Hey, ano bang pwedeng gawin? Nafafall na kasi ako sa kanya. Natatakot ako baka masaktan ako ulit."

"Eh di itry mo muna siya, malay mo hindi naman siya katulad ng iniisip mo. Hindi naman porket nasaktan ka lang ng isang lalaki, ganun na lahat sila. Bakit may nakikita ka bang mali sa kanya? Mukha ba siyang manloloko?"

"Hindi naman. Mukhang seryosong seryoso nga sakin eh. Sige, salamat talaga kasi lagi ka nandiyan. The best ka talaga dude."

May desisyon na ko, hindi na ko naguguluhan. Desisyon kong.....

BIGYAN SIYA NG PAG-ASA. Sana naman mag-work pag binigyan ko siya ng chance. Natatakot na kasi talaga ako masaktan ulit. Feeling ko lahat ng lalaking ganun na. Nanakit, manloloko. Nang-iiwan. Traumatic eh.

March 15, 2010

Mlapit na summer vacation. Nakakalungkot naman. Maghihiwalay na kami ng mga friends ko. Bakit kasi kailangan pang paiba-iba ng classmates every year? :| ang hirap kaya magadjust. 

"Guys, lapit na bakasyon. Sana magkakaklase pa din tayo." sabi ni Rachelle.

"Oo nga eh," sabay biglang lungkot ng mukha.

"Okay lang yan, we will still remain friends naman diba?" sabi naman ni Andi.

"Oo naman!" sabi ko sa kanila.

Sila talaga ang true friends ko, kahit may tampuhan kami sa isa't isa, pinipilit namin itong ayusin para hindi na lumaki pa at syempre yan ang true friend. Hindi lang puro saya diba? 

Sabay sabay na kaming umuwi kasi nga bukas na yung last day. Kaya dapat sulitin na.

----

Pagdating ko sa bahay, tingin agad cellphone. Hobby ko lang tuwing pag-uwi ko. Meron na agad text si Blue. Malapit lang kasi bahay nila sa school kaya palagi na siyang may text agad. 

It Started with A JokeWhere stories live. Discover now