Chapter Five

484 6 2
                                    

"Bakit nga pala kayo nagbreak? Dahil ba sa akin? Yung nangyari kahapon?" tanong ko kay Mica.

"Hindi naman. Studies first daw muna eh."

"Sus, naniwala ka naman dun? Pag ganyan ang reasong ng isang guy/girl, hindi totoo yan. Swear!"

"Hayaan mo na. Makakamove-on din naman ako."

"Tama! WAG MO AKONG GAYAHIN!"

Tumawa lang ang bestfriend kong baliw. Ganyan lang kaming mag-usap. Siyempre nandiyan lang naman ako palagi para sa kanya. Naturingan pa kong bestfriend diba?

------------------------

February 15, 2010

Kinabukasan after ng Valentine's Day na walang kwenta para sa aming magkakaibigan. Isang ordinaryong araw na naman para sa akin. Regular classes lang kasi, walang programs or anything something special.

"Nakakabagot naman tong araw na to." sabi ni Rachelle samin.

"Kaya nga eh." sagot naman ni Andi.

"Di na kayo nasanay, ganito naman palagi sa school. Palibhasa kakatapos lang ng mini fair." sabi ko sa kanila.

Ganyan kasi school namin, nakakainis. Napakadaming rules and regulations. Hindi naman ganun natutupad. And the hatest rule for me is, "NO BRINGING OF GADGETS." How can I live w/o cellphone or anything something to be entertained with? Pinagtiyatiyagaan ko lang kasi nga may "loyalty awardee" ako pag graduate sa 4th year. That's why.

Natapos lang naman ang isang araw na walang ginagawa. Paguwi ko galing school. I checked my phone like i've used to do everyday.

"10 messages received"

Dahil bawal nga magdala ng phone sa school, ganyan lang halos ang natatanggap kong message. Puro kasi sa school din namin ang katext ko. I opened it all. Lahat naman puro GM(group message). Nothing new with it. Pero may isang PM(personal message) akong natanggap.

From: Blue

"Hey. I have something to tell you. Textback please :)"

Siya na naman? This guy annoys me. Errr! Bakit ba kasi ayaw niya ko tigilan? Nakakainis na siya. 

To: Blue

"Hey, what will you tell me annoying guy? -.-"

Nakakairita na talaga siya. Ano naman kayang sasabihin niya sakin? Para mabawasan inis ko, nag-shower muna ako saglit. Tutal, hindi pa naman siya nagrereply. Kupad talaga nung lalaking yun kahit kailan, pati ba naman sa text, Magtatype na nga lang diba?

Habang nasa shower ako, iniisip ko kung ano ba yung sasabihin niya sakin. Medyo kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Malakas kasi instincts ko pagdating sa mga bagay-bagay. And most of all that I will say, nagkakatotoo. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. 

"Ano kayang sasabihin niya sakin?"

"Importante kaya yun?"

"Makakaapekto ba yun sa buhay ko?"

Bakit ba kasi hindi niya na lang diniretso kung ano yun eh. Napakasuspense naman nung lalaking yun. Pinapasakit ulo ko eh. Anyway, bakit ko ba iniisip yun? Wala naman siguro yun. Another nonsense things na naman siguro.

Lumabas na ko ng banyo at nagbihis. Nagpatuyo ng buhok at naglagay ng kung ano-ano sa katawan at mukha ko. Pagkatapos ko gawin lahat ng ritwal ko bago matulog, tinignan ko yung cellphone ko.

"3 new messages received"

Isa kay Mica, isa kay Princess at yung isa, galing SA KANYA.

Una ko munang binuksan yung sa dalawa kong kaibigan, nagtatanong ng assignment sakin. Sinagot ko sila, pagkatapos binuksan ko naman yung galing sa lalaking yun.

From: Blue

"Pwede bang manligaw?"

Nagulat ako sa nabasa ko. Pinikit ko mata ko at binuksan ulit, iniisip na baka namamalik-mata lang ako sa nababasa ko. Inulit ulit kong gawin ito pero yun pa din talaga nakikita ko. Nahihibang na ba tong lalaking to? Pagkatapos niyang ipagkalat sa buong school na may mahal na mahal siya , liligawan niya ako? Punong-puno na talaga ko dito sa lalaking to. Iniinis ako palagi. Wala ng ibang alam gawin kundi ang inisin ako tuwing magpaparamdam siya sakin. Annoying Guy!

Dahil sa sobrang inis ko,

It Started with A JokeWhere stories live. Discover now