"A mortal against an immortal? How dare you command a goddess to release her?" hinigpitan ni Athena ang pagkakahawak sa braso ko.

"Athena." sambit ni Trev. "Go ahead and take her. So that the other gods will see how the Goddess of Wisdom is not a wise goddess anymore."

Malaki ang naging tama ng sinabi ni Trev kay Athena dahil binitawan na niya ako. Dali-dali akong hinatak ni Trev dahilan na mapayakap ako sa kanya.

Nakatalikod ako kay Athena at hindi ko sinubukang humarap sa kanya.

Ayokong makaramdam ng takot.

"You are threatening me." narinig kong sabi ng goddess. "Are you out of your mind, Prince of Troy?"

"I ask you the same question, Goddess of Wisdom." diniinan ni Trev ang huling tatlong salita na pinakawalan niya.

Mayamaya, naramdaman ko na ang pag gaan ng kapaligiran. Sinubukan kong lumayo kay Trev para tignan kung nawala na ba si Athena.

Yun nga lang, hindi ako makagalaw sa bisig niya.

"I almost lost you." bulong niya at tila hindi pa siya nakuntento sa distansya naming dalawa dahil niyakap niya pa ako.

Huminga ako ng malalim at napangiti. Dahan-dahan kong hinimas ang likuran niya para pakalmahin siya.

"Almost." sagot ko. "Pero nandito pa rin ako dahil sa'yo."

Lumipas ang isang minuto ng katahimikan at napagdesisyunan na niyang bitawan ako. Mabuti naman at di nadagdagan ng isa pang minuto kasi kanina pa ako nahihirapang huminga.

Tinignan ko siya at unang napansin ang mga mata niya.

"Umiiyak ka." sambit ko sa kanya.

Nagkasalubong ang kanyang kilay. "I'm not."

"Basang-basa nga yung mga mata mo oh!" panunukso ko sa kanya. "Umiiyak ka pala?"

"Cesia." seryoso niyang tugon. Lumapad ang aking ngiti dahil bumalik na ang blankong ekspresyon sa kanyang mukha na palagi niyang suot. "Stop it."

"Trev. Paano nalang pag nalaman nila Chase na iniyakan mo ang isang babae?" napailing ako. "Tsk. Tsk. Tsk"

Panandalian siyang natahimik para pag-isipan ang sagot niya.

"I won't let you."

Napansin ko ang namumuong smirk sa labi niya.

"I'm going to have to shut your mouth before you can do that."

Alam ko ang ibig sabihin niya pero imbes na matakot, tinuring ko itong challenge para sa kanya.

"Sigurado ka bang kaya mong gawin yan sa harap nila?" nagtaka ako. "Para kasing ang hirap paniwalaan."

"Trust me." sagot niya, bakas ang determinasyon sa kanyang boses.

"I'm good at asserting dominance over what's mine."

Di ba talaga siya takot magpakita sa iba? Kasi pag ginawa niya yon... baka mag-iba ang pananaw nila kay Trev. Baka mababawasan ang pagiging leader-like niya kasi matuturing na ring isa sa malaking kahinaan ng tao ang pagmamahal.

"Hindi ka takot?" nag-aalala ako. "na makita ng iba yung kahinaan mo?"

Pakiramdam ko talagang mali yung itinanong ko sa kanya. Napayuko kasi siya at ang tagal niyang makasagot.

"Ahh-haha.." ba't ko ba kasi nasabi yon?! "kalimutan mo nalang yung sinabi ko. Nadulas lang-"

"They won't see it as a weakness." inangat niya ang kanyang tingin sa'kin. "I expect their fear of me to grow."

"Bakit?"

"Because it means I have nothing to hide from them."

Napangiti ako pagkatapos marinig ang sinabi niya. Ngunit madali rin itong nabura nang bigla siyang umikot at pinalitan ako sa pwesto.

"Trev?" napaghalataan kong may nangyaring mali sa kanya.

Nakapikit siya na para bang nagpipigil ng sakit.

"It's an attack!" narinig ko ang sigaw ng isa sa mga kawal nila. "They're shooting!"

Sa laking gulat ko, nawalan ng balanse si Trev pero sa'kin siya humilig kaya't napunta sa'kin ang bigat niya.

Tumigil ang aking mga mata sa bagay na nakaturok sa kanyang likod.

"Paris!" boses ni Hector ang sunod kong narinig. Kinuha niya si Trev mula sa'kin.

Samantalang ako naman, nakatulala dahil sa bilis ng nangyayari.

"Take cover!" utos niya sa'kin.

Sinundan ko ng tingin ang dugo na dumadaloy mula sa likurang bahagi ng balikat ni Trev hanggang sa dulo ng daliri niya.

Nabalik lang ang diwa ko dahil may dumaan na matalim na bagay sa aking braso.

Nakakuyom ang aking kamao habang minamasdan ang libo-libong palaso na papasok ng Troy. Naririnig ko rin ang sigaw ng mga tao mula sa ibaba.

"You're bleeding!" ani Hector.

Hindi ko pinansin ang dumudugo kong braso. "Dalhin mo muna siya sa loob. Susunod lang ako."

Nagmamadali akong tumungo sa tower at tinignan ang mga Achaeans sa ibaba.

"On my signal!"

"Fire!"

Dinig na dinig ko ang utos nina Menelaus at Agamemnon. Naghintay pa ako ng ilang segundo hanggang sa matapos sila bago ko itinaas ang aking kamay.

Kasabay nito ay ang paghinto ng bawat bato at palaso na pinapadala nila sa kabilang banda. Saka ko pinabalik ang mga ito, papunta sa Achaeans.

Lahat sila ay napaatras at nagsitakbuhan, bakas ang sindak sa kanilang mga mukha.

"Ulitin niyo lang to." pinipigilan ko ang aking sarili na lubus-lubusin ang ginagawa ko.

"...at sisiguraduhin kong itatapon ko sa inyo ang buong Troy."

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon