Chapter 33: I still love you

Comenzar desde el principio
                                    

Ngumiti ako. Itinaas ko ng marahan ang chin niya para matitigan ko ang kanyang mga mata. "So... will you be my Girlfriend again?"

"Tinatanong pa ba iyan?"

Nag-lakad-lakad kaming dalawa sa Baywalk at napag-pasyahang naming pumunta sa bahay ni Irish.

"Rish, nasan si Bebe Peachy?"

"Na-miss mo na si Bebe noh?"

"Oo. Namiss ko ang anak natin. Pwede mo ba siyang tawagin?"

"Peachy Bebe, where are you? Come over here. Your Daddy wants to see you."

May lumapit kay Irish na isang maliit at cute na Shit Tzu. Kinarga iyon ni Irish at ibinigay niya sa akin.

"Peachy meet your Daddy."

"Ilang taon na siya?"

"24 years old sa human years."

Twenty-four.... Two years... Two years na rin pala ang lumipas nang una ko siyang sinaktan. Two years na ang lumipas ng hiniwalayan ko siya. "Matagal na rin pala tayong wala."

"Oo nga eh. Buti nga at kahit papaano ay nakilala ka pa rin ni Peachy. Hindi nga rin ako makapaniwala na naging tayo ulit."

"Let's thank Shaomei and Czarina."

Hindi ko alam kung may mali sa sinabi ko dahil biglang nalungkot ang mukha niya.

"Gabe... Paano ang enggagement? Alam kong magagalit ang magulang niyo."

"Rish, mag-papanggap kami."

Nag-buntong hininga si Irish saka niya hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Mag-ingat kayo Gabe. Alam mo ang magiging consequence kapag nalaman nila ang ginawa niyo."

"We will, Rish. Rish, uuwi na ako. Baka hinahanap na ako nila Daddy." I need to do the right thing. And I know that to be with her is the right thing to do.

"Bye, Gabe. I'm so glad na nag-kabalikan tayo." She gave me a peck on my lips.

"Bye, Rish. I love you." I kiss the tip of her nose and lastly, I kiss her lip.

***end of Gabe's POV***

Irish POV

"Bye. I love you too. Mag-ingat ka sa pag-uwi."

Umalis na si Gabe sa bahay namin at naiwan akong nag-sisigaw ng dahil sa tuwa at kilig.

"Irish, keep your tone down please. Alam kong kinikilig ka dahil nag-kabalikan kayo ni Gabby boy. But please, relax."

Ngumiti ako ng malapad kay Mommy at tumango-tango.

"Promise, My. I'll keep it cool."

"Good. I'll go to my room na. Masakit ulo ko."

"Take a rest, My. Mag-papadala ako kanila Nana ng orange juice and medicol."

"Thank you 'nak."

Umakyat na si Mommy sa hagdan at nasa mid-way na siya ng bigla siyang huminto at tumingin sa akin.

"And Irish..."

"Yes, My?"

"Ilabas mo 'yang kakiligan mo. Mahirap na baka kung ano pa mangyari sa'yo. Ayaw kong maheadline sa newspaper."

Napataas ang kilay ko ng dahil sa sinabi ni Mommy. Hindi ko siya maintindihan.

"Heiress of Buenavusta's cause of death---hindi nailabas na kakiligan.

"No, hun."

Napatingin kami ss lalaking kararating lang. Matikas ang tindig nito at takaw atensyon ito na kahit sinong tao ay mananakawan niya ng atensyon. Isa siya sa kilalang tao sa larangan ng abogasya, ang taong iniidolo ko sa lahat, si Attorney Eleazer Buenavista.

"Dad!"

Nilapitan ko siya at niyakap. Niyakap niya ako pabalik at ginulo niya ang aking buhok.

Agad akong bumitaw sa yakap at inayos ko agad ang buhok kong ginulo ni Daddy.

"What is your logical opposition of preposition?" Nakataas kilay na sabi ni Mommy.

"Not all kinikilig ay namamatay. Some of them ay nababaliw muna. I rest my case, Attorney Diana Buenavista."

Nasapo ko ang ulo ko dahil sa sagot ni Daddy. Si Mommy naman ay natawa nang dahil sa sagot ni Daddy.

Yes, Lawyer din si Mommy tulad ni Daddy. The both of them are renowned lawyers.

"Daddy! Hindi ako mababaliw dahil sa kakiligan. And hindi ako kinikilig."

Tumaas ang kilay ni Daddy nang dahil sa sinabi ko. Si Mommy naman ay tumikhim.

"Should I send subpoena ad testificandum to the love of your life, Attorney Irish Nicole Buenavista?"

"Argh! Cut it off Daddy! Hindi nakakatuwa."

Narinig ko ang malakas na tawa ni Mommy at kasunod naman ay ang pag-halakhak ni Daddy.

"And Attorney Irish Nicole Buenavista is found guilty without reasonable doubt." Wika ni Mommy.

"And we, rest our case." Sabi naman bi Daddy.

"Teka... bakit kayo nag-hahatol agad? Wala kayong binigay na due process ah!"

"Oh, come on, Anak. We arw just kidding. Don't take it too seriously. Manang mana ka sa grand pa mo."

Argh! Ang hirap talaga mag-karoon ng mga magulang na abogado at makulit at the same time. Mukhang ako ang tatanda ng mabilis sa aming tatlo.

AN: Sorry sa typos and wrong grammar.

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora