Chapter 16: Your consequence is now over

18.8K 327 6
                                    

"Hoy! Gumising ka na!"



"Hmm..." Tinalikuran ni Czarina si Jaeger. Niyakap niya ang hotdog niyang unan at mahimbing na natulog.



"I said wake up! May pupuntahan tayo." Hinila ni Jaeger ang hotdog pillow ni Czarina.



"Ano ba yan Hangin! Hmmm.... Wala namang pasok eh. Pabayaan mo na akong matulog." Binawi ni Czarina ang hotdog pillow kay Jaeger.



"I'm still your boss. Get up! May pupuntahan tayo."



Bumangon na si Czarina habang kinukusot-kusot ang kanyang mata.



"Hindi ba pwedeng mamaya na lang iyan? Inaantok pa aketch."



"NO. You better fix yourself in less than thirty-five minutes or else..."



"Or else?"



Ngumiti si Jaeger kay Czarina. "I will kiss you... AGAIN."





Lumaki ang mga mata ni Czarina sa sinabi ni Jaeger. Muli niyang naalala ang first kiss niya na ninakaw ni Jaeger. Kaya nagising ang kanyang katawang lupa.





"Chupe! Shoo! Shoo! Aayusin ko na ang sarili ko. You better leave."





Natapos na ayusin ni Czarina ang sarili niya at ngayon ay nasa sasakyan na sila ni Jaeger.





"Ano na naman bang pumasok dyan sa jutakis mo at binulabog mo ang aking mahimbing na pag-tulog?"



"Pwede bang tigil-tigilan mo yang pagiging makata mo. Mas lalo kang nagiging matandang amoy lupa."



"Ang yabang mo! Bakit ikaw ano ang pabango mo? Teka, mabango ka nga ba?" Inamoy-amoy ni Czarina si Jaeger.



"Mag-pacheck up ka na nga lang. Hindi na nag-pafunction ng maigi iyang utak mo kaya naaapektuhan ang pang-amoy mo. Sabagay hindi na talaga gumagana ang utak mo simula noong bata ka." Nag-smirk si Jaeger kay Czarina.



"Ang.... Arogante mo! Kala mo kung sino kang mabango! Eh wala ka ngang amoy!"



"Ikaw lang ang natatanging babae na hindi nababanguhan sa akin. Di mo ba alam, Imperial Majesty ang pabango ko. One bottle is cost two hindred fifty thousand dollars. Kung gagamitin mo ang dollar and peso exchange rate sa kasalukuyan, ang two hindred fifty thousand dollars ay magiging Nine million Thirty Thousand Pesos. Hindi na ako mag-tataka kung hindi mo alam ang pangalan ng pabango ko dahil mga mayayaman lang ang ang may alam nun. Isa pa hindi mo kayang bilhin iyon. Mas mahal pa iyon kaysa sayo. Maski mag-trabaho ka pa ng mag-trabaho ng ilang taon."



"Alam mo..." Ngumiti ng malapad si Czarina kay Jaeger.



"Hindi ko pa alam." Ngumiti rin si Jaeger ng malapad na gaya ng ginawa ni Czarina.



"Hudas barabas istas! Patapusin mo muna ako. Hindi ka lang mayabang, grabe ka pa kung manakit sa mga pananalita mo. For short, isa kang Aroganteng Abnoy na Bakulaw na Tsokoy na mabaho na Hangin!"



Hindi na kumibo si Jaeger. Nag-lagay siya ng earphone sa tenga niya at nag-patugtog sa kanyang iphone.



"Jaeger... Jaeger..." Kinalabit ng kinalabit ni Czarina si Jaeger.



Pinikit ni Jaeger ang kanyang mga mata at nilakasan ang volume ng iphone niya.



"Jaeger~ Uyy!" Kinalabit muli ni Czarina si Jaeger.



When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now