Chapter 21: Insecurities

16.2K 322 5
                                    

Jaeger's POV

I'm bored. Ano ba ang dapat gawin kapag Sunday? Hmm. Matanong na nga lang kay Pagong tutal naman scholar siya at mahilig mag-isip kaya masasagot niya ang tanong ko.

Kinuha ni Jaeger ang kanyang cell phone at dinial ang number ni Czarina.

"Pagong!" Sigaw ni Jaeger sa kabilamg linya.

"Hindi ako bingi! Ano bang kailangan mo? Ang aga-aga nag-sasayang ka ng load."

"Ano ba ang dapat gawin kapag Sunday?"

"May utak ka ba? Valedictorian ka pa naman ng room niyo nung wala pa ako tapos tatanungin mo ako ng kay simpleng-simpleng tanong."

"Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko."

"Hindi ka ba nag-sisimba?"

"Nag-sisimba."

"Ilang beses?"

"Ngayong taon na ito?"

"Ilang beses kang nag-simba simula nung pinanganak ka?"

"Kala ko ba matalino ka? Wala ka namang common sense."

"Ano?!"

"Paano ka naging scholar kung ganyang klaseng tanong ang tinanong  mo sa akin?"

"At bakit mo yan nasabi?"

"Sino naman kasing bata ang nakaka-alam o nakaka-alala ng mga nangyari sa kanya simula ng pinanganak siya?"

"Ewan ko sayo. Ibababa ko na ito. Inaantok pa ako."

"Sagutin mo muna ang tinatanong ko sayo."

"Mag-simba. Kung nandito ang Mama't-Papa mo, kumain kayo sa labas. Manood ng sine o mamasyal."

"Wala sila dito. Alam mo naman yun."

"Girlfriend, Jaeger. Ask one of your girlfriend."

"Wala ako nun."

"Eh di yung taong espesyal para sayo. Babay! Matutulog na ulit ako." Pabagsak na binaba ni Czarina ang phone. Muli siyang pumikit at bumalik sa pag-katulog.

Jaeger's POV

"Eh di yung taong espesyal para sayo."

Sino naman kaya ang espesyal na tao para sa akin? Siya ba? Anong idadahilan ko sa kanya? Bahala na. Hindi na ako mag-tatanong pa. Gusto ko siyang makasama ngayon. Mapuntahan na nga siya.

Czarina's POV

Ano bang nangyayari kay Jaeger? Ang aga-aga nag-tatanong ng walang kakwenta-kwentang bagay. Akala ko pa naman mag-yayaya siyang lumabas. Tss! Assuming ka masyado Czarina. Matulog ka na nga lang ulit. Monday na bukas may pasok ka pa.

Pinikit ni Czarina ang mga mata at bumalik sa pg-tulog. Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang panaginip ng may maramdaman siyang tumutusok sa pisngi niya. Sa pag-aakalang ito ay isang insekto lamang ay hinampas ni Czarina ang kanyang pisngi. Ni hindi man lang nito binuksan ang kanyang mga mata nang dahil sa labis na antok.

"Czarina~ Pagong! Hoy, tulog mantika ka talaga."

Muling kinalabit ni Jaeger si Czarina. Ngunit hindi pa rin gumigising si Czarina kaya nilapit ni Jaeger ang kanyang labi sa tenga ng dalaga at sinigawan niya ito.

"Czarina! May sunog!"

Dali-daling dumilat ang mga mata ni Czarina at bumangon agad ito.

"Sunog! Saan? Tubig! Kailangan natin ng tubig!" Nang dahil sa inalimpungatan ito sa pag-sigaw ni Jaeger ay nataranta ang kagigising lang na dalaga.

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon