Chapter 33: I still love you

13.4K 247 13
                                    

Gabe's POV

Mahal niya pa kaya ako? Matatanggap niya pa kaya ako matapos ko siyang saktan? Kakausapin niya ba ako? Wala naman sigurong masama kung susubukan.

Mag-dodoor bell na sana ako sa gate nila Irish nang may lumabas na sasakyan mula sa gate nila Irish. Huminto ang sasakyan at bumaba ang isang bintana nito.

"And what are you doing here?" Malamig na ang pakikitungo niya sa akin. Hindi na tulad noon. Ang tingin niya, wala akong makitang pag-mamahal... walang kaemosyon-emosyon.

"Rish, can we talk?"

Huminga ng malalim si Irish. She gave me a bored look. I know Rish... you are fed up of all of this shits. I'm sorry. "

Look Gabe, nilubayan na nga kita tulad ng paki-usap mo sa akin. Kaya wala na tayong pag-uusapan pa."

"Please, Rish... I need to tell you something."

Tinaas na muli ni Irish ang bintana at binuksan nito ang pintuan ng sasakyan.

"Sakay."

Sumakay ako sa sasakyan ni Irish. Nang nasa loob na ako ay hindi na siya muling nag-salita pa.

"Kuya, sa baywalk po."

Pinag-masdan ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Ang ganda talaga ng babaeng mahal ko. Kaso lang masyado akong duwag para ipag-laban siya.

Nakarating na kami sa baywalk. Una siyang bumaba at sinundan ko siya. Nang makalayp kami sa sasakyan ay hinarap na niya ako.

"Ano ang sasabihin mo?

"Rish... I missed you... a lot."

Kinagat niya ang labi niya saka ngumiti sa akin. "Gabe... bakit mo ba ako pinahihirapan?"

"Rish, listen.... I'm sorry."

"Sorry na naman..." pagak siyang tumawa. Inihilamos niya ang kanyang mukha saka tumingin sa kalangitan.

"Rish, hindi ko na kaya na wala ka. Miss ko na ang lahat."

Tiningnan niya ako sa mata. Mata sa mata. At nang dahil sa ginawa niya ay marami akong nakitang emosyon sa kanyang mga mata. Nangingibabaw roon ang sakit at takot. "Gabe, huwag mong sabihin iyan.  Mas lalo akong mahihirapan na makalimutan ka."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya. "Rish, please... Huwag mo akong kalimutan."

Pilit akong inilalayo ni Irish sa kanya. Ngunit kahit anong tulak niya sa akin ay hindi ako bumibitaw mula sa pag-kakayakap.

"Gabe, bakit mo nasabi iyan? Enggaged ka na."

"Rish, hindi ko itutuloy iyon. I still love you." Nag-simula ng mag-situlo ang mga luha ko. Natakot ako noon pero mas natatakot ako ngayon na iwan niya ako.

Nag-taas baba ang balikat ni Irish indikasyon na umiiyak siya. "I hate you! "

"Rish..." Bumitaw ako sa pag-kakayakap ko sa kanya at tiningnan ko ang kanyang mala-anghel na mukha. Nakita ko ang mga luhang dumadaloy sa namumula niyang pisngi. Pinunasan ko ang mga ito gamit ang aking hinlalaki.

"Lagi mo na lang akong sinasaktan... Lagi mo na lang akong pinapaiyak... I hate you dahil... pinaniwala mo ako sa... destiny... s-sa f-fate."

Pinag-dikit ko ang mga noo namin at tiningnan ko ang kanyang mga mata. "I'm sorry..."

"I hate you kasi... kahit ilang beses mo akong saktan, mahal pa rin kita."

Niyakap ko si Irish. Ang saya ko dahil sa kanila ng lahat ng sakit na binigay ko sa kanya ay mahal niya pa rin ako.

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now