Chapter 15: I smell something fishy

17.5K 304 6
                                    

Czarina's POV

Oh, buhay, nakakapagod ang mga pangyayari kahapon. Teka, speaking of kahapon may napansin ako kahapon simula nang nakauwi na kami. I-kukwento ko sa inyo yung mga nangyari.

(Flashback) 

"Czarina, maligo ka na nga!"

"Hoy! Grabe ka naman! Kararating ko lang. Pagod pa ako."

"Sino ang mas pagod sa atin? Ako na nag-buhat sayo o ikaw na nakasakay lang sa likod ko at enjoy na enjoy?"

"Sinabi ko ba sayo na bigyan mo ako ng piggy back ride? Hindi naman ah! So, don't blame me!"

"Oo nga Czar, ayusin mo na ang sarili mo. Ang lagkit-lagkit mo na."

Kaya ayun wala akong nagawa kung hindi maligo, ayusin ang sarili ko at bumalik sa kanila.

"Ano na ang balita?"

"Ayos lang naman siya. H-hindi mo na ba siya nakausap?"

"May... boyfriend na pala siya."

"Hmmm."

"N-nandito na ba siya?"

"Wala siyang sinabi. Jae... mahal mo pa rin ba siya?"

Hindi na nakasagot pa si Jaeger sa kadahilanang nakita ni Shaomei si Czarina na nakatayo sa gilid at mukhang nakikinig ito sa kanila.

"Czar, okay ka na?"

"A-ah... A-ano... Oo." Napakamot si Czarina sa ulo niya dahi nahuli siya ni Shaomei na nakikinig sa usapan.

"Hmm. That's good to hear. By the way, Czar uwi na ako. Jae, alis na ako." Tinapik ni Shaomei ang balikat ni Jaeger.

"Huwag muna! Mei... dito ka na kumain."

"Sorry Jae, hindi pwede. Alis na ako." Kinuha ni Shaomei ang bag niya saka tumayo.

"Hatid na kita." Tumayo na rin si Jaeger. Inihatid niya si Shaomei oalabas ng bahay nito.

( Flashback ends) 


Czarina's POV

Kaya ayun hinatid na ni Jaeger si Shaomei pauwi. Ano kaya meron sa kanila? Tama ba ang narinig ko? May mahal si Jaeger at kilala ni Shao kung sino? Bakit Mei ang tawag niya kay Shaomei? Bakit Jae ang tawag ni Shaomei kay Jaeger? Sa pag-kakaalam ko ang tumatawag lang kay Shaomei na Mei ay yung pamilya, kamag-anak, mga kaibigan niya, at yung special person sa buhay niya. Hindi ko siya tinatawag na Mei kasi gusto kong maiba ako. Hahaha. Napapagod akong mag-isip. Ayaw kong mag-isip! Matanong na nga lang kay Hangin. I'm sure nasa kwarto siya ngayon kaya pupuntahan ko na siya.


Pumunta sa Czarina sa kwarto ni Jaeger. Dire-diretso siyang pumasok sa loob

"Aroganteng Hangin na abnoy!"

"Ano?! Pwede bang kumatok ka muna?" Itinigil ni Jaeger ang pag-babasa.

"Ang sungit mo naman. Meron ka ba?" Naupo si Czarina sa tabi ni Jaeger.

"What do you need?"

"Hindi na nga ako mag-papaligoy-ligoy pa. Bakit Mei ang tawag mo kay Shaomei at bakit Jae ang tawag sayo ni Shaomei? May connection ba kayo? Ahmm.... I- I- I mean ahmm p-parang may something fishy ba sa inyo? Atsaka———"

"Anong tingin mo sa amin isda?" Sinaman ng tingin ni Jaeger si Czarina.

"Sinabi ko bang isda kayo? Cut it off Jaeger."

"She knows my heart."

"Whoa! Ang lalim mo dre. Anong ibig sabihin nun?" Umupo na ng indian seat si Czarina.

"Wala! Umalis ka na! May gagawin pa ako."

Umalis na si Czarina at nag-tungo sa kuwarto niya dahil wala siyang nakuhang matinong sagot mula kay Jaeger. Kaya plano niyang tawagan si Shaomei para masagot ang mga tanong niya.

"Czar, napatawag ka?"

"May gusto akong malaman Shao."

"Ano yun?"

"Bakit Mei ang tawag niya sayo? Bakit Jae ang tawag niya sayo? Anong meron sa inyo?" Nahiga si Czarina sa kama niya.

"I know his heart."

"Alam mo... parehas kayo ng sinabi." Itinaas ni Czarina ang isang kamay at tila ba may kinukuha sa hangin.

" Talaga? Hahaha. Hindi niya talaga malimot-limutan ang tibok ng puso niya kahit na napapagod na siya."

"Teka! Ki-kilala mo ba kung sino ang mahal ni.... Hangin?" Ibinaba ni Czarina ang kamay at nakinig na maigi sa kausap.

"Hahaha. Curious much Czar? Bakit? Selos ka?"

"Curious lang ako! Pero.... mahal ba nun si.... Hangin?"

"Czar, tinatawag ako ni Mommy. Geh! Babayu!"

Pinutol na ni Shaomei ang phone conversation nila ni Czarina. Kaya naiwan si Czarina na hindi naklaro ang mga sagot sa kanyang mga katanungan patungkol sa kung anong meron sa dalawa. Kaya napag-pasyahan niyang mag-libot libot muna upang mawili siya at makalimutan muna kung ano ang nasa isip niya.

Napadpad si Czarina sa entertainment room ng bahay nila Jaeger. Pumasok siya sa loob at naupo siya sa may sofa ng may napansin siya. Nilapitan niya ang bagay na iyon at nalaman niyang isa itong photo album.  Binuksan niya ang photo album at nakita niya ang mga laman nito.


Czarina's POV

Ano ba itong photo album na ito puro picture lang ng babae. Simula ng pag-kabata hanggang sa pag-laki nito. Iisa lang din ang mukha at mukha siyang stolen. Kanino kaya ito? Pero infairness ang ganda niya, para siyang artista o model. Kay Jaeger kaya ito? Hmm. Kung sa kanya nga ito... ibig sabihin... stalker siya! Hahaha. Huli ka balbon!  Pero teka, stalker nga ba siya o kaya naman... special lang talaga ang babae na ito para sa kanya. Ito ba yung babaeng... mahal niya?


Nasa last photo na si Czarina nang makita niya ang isang picture. Picture ng isang babae na kasama ang isang lalaki na sa hinala niya ay nasa labing-dalawang taong gulang. Sa tingin ni Czarina ay mga dalawang taon ang tanda ng babae sa lalaki. Parehas sila ng damit at sa tabi ng babae ay may malaking bear. Nakita ni Czarina na mahal ng dalawa ang isa't-isa.

Czarina's POV

Sino ba itong babaeng ito? Si Jaeger ba ang kasama ng babae? Si Jaeger ba ang lalaking nasa picture? Si Jaeger ba ang lalaking iyon? Kung si Jaeger nga.... ibig sabihin siya ang babaeng mahal ni Jaeger. Mukhang mahal na mahal ni Jaeger ang babae. Hanggang ngayon ba mahal pa rin ng lalaki ang katabi niyang babae? Bakit may picture pa rin siya ng babae hanggang sa lumaki na sila? Bakit parang perfect couple sila? Kung si Jaeger ang lalaking iyon, bakit hindi ko nakikita ang babaeng nasa picture? Ano kaya ang nangyari sa kanila? Teka... bakit parang may kakaiba akong nararamdaman?

Tinalikod ni Czarina ang picture kasi na-curious siya na baka may nakasulat or something.

At hindi nga siya nag-kamali dahil nakita niya sa likod sa may lower right ang letters na:

<3 S and J 4ever. <3

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now