Chapter 6.1: The continuation

20K 363 5
                                    

Czarina's POV

Ang galing naman ni Jaeger. Hindi man lang ako hinintay sa loob. Makikita mo na lang siyang nakikipag-kamay at apir or hand shake sa mga tao na magiging kaklase ko. May napansin ako.... Bakit parang unti lang sila? 20 lang ata, at pang 20 ako? Teka nga lang.... 8 lang silang lalaki at puro babae na? At si Yabang pinag-kakaguluhan ng mga babae?! Nag-hahallucinate na ata ako.

"Oi! Para kang tanga dyan. Mag-hanap ka na nga ng mauupuan mo."

"Ang sama talaga ng Hangin na 'yun. Hay! Makapag-hanap na nga lang pero teka papayag ba sila na maging kaseatmate ko? Para kasing mga matapobre silang lahat. Bahala na nga! Keri ko itetch! Go powerpuff girls!"

Lumingon-lingon siya sa paligid at may naaninagan siyang kakilala.

"Gabriel!!"

Lumingon si Gabriel sa kanya at ngumiti ito.

Wala ng pakialam si Czarina kung pag-tinginan siya ng kanyang bagong classmates. Ang pakialam lang niya ay si Gabriel - na kakilala niya at naging kaibigan.

Nilapitan ni Czarina si Gabriel at kinausap ito.

"Gabriel!!"

Niyakap ni Czarina si Gabriel ng pagkahigpit-higpit.

"Czarina... I can't breathe."

Bumitaw si Czarina sa pag-kakayakap niya kay Gabriel.

"Sorry..."

"It's okay. Nice to see you too, Czarina. By the way, just call me Gabe."

"Okiedokie! Gabe, May nakaupo na ba dito?"

"Wala. You can sit there, if you want." Tinuro ni Gabe ang bakanteng upuan na katabi niya.

"Sure. Thank you! Ang bait-bait mo talaga."

Gabe's POV

Ang energetic talaga ni Czarina, ang kulit kulit. Teka, bakit lumipat siya rito? Bakit pumayag siyang mag-palipat dito sa section na ito? Ang akala ko ba gusto na niyang magkaroon ng normal na buhay?

"Whoa~ ito pala yung galaxy section... section ng mga pinaka—— Ang——unti lang ng estudyante dito." Manghang wika ni Czarina.

"Galaxy section?" Pag-lilinaw ni Gabe sa narinig.

"Hmm! Yan yung tawag namin ni Shao sa section na ito. Sila kasi yung—-ahmmm—-paano ba i-explain..."

"One of the richest, influential and powerful families na nag-aaral dito."

"Nakuha mo! Teka~ kung nandito ka... ang ibig sabihin nun ay isa ka sa kanila?"

Gabriel's POV

Hindi pa ito ang tamang oras Czarina. Sorry... I have to tell a lie. Hindi rin naman alam ng mga classmates ko na isa ako sa kanila. Kaya 'di nila ako pinapansin. Ang alam lang nila ay biglaan lang ako pinasok sa section na ito. Pinaki-usapan na rin ang school owner na huwag ipag-sabi ang totoong kalagayan ng buhay ko, ang totoong estado ko sa buhay, maski sa kamag-anak nila. Tanging ang school owner lang ang nakakaalam.

"Hoy! Gabe! Gabriel Acosta!"

"Uh... Yep?:

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Isa ka ba sa kanila?"

"Nope."

"Ahhh... parehas lang pala tayo. Biglaan napunta sa room na ito."

Natigil ang pag-uusap ni Czarina at Gabriel dahil dumating na ang Teacher nila.

"Class, good morning!"

"Good morning, Maam!"

"Class, you have a new classmate."

Tumayo si Czarina sa pag-aakalang siya ang ipapakilala.

"Miss is there something wrong?"

"Po?"

"Speak in English. Is there any problem?"

"I..."

Hinatak na ni Gabe si Czarina paupo.

"Don't mind her."

"But I thought she will introduce me as a new student, a new classmate."

"Class keep quiet! Ms. Buenavista, please come in."

Pumasok ang isang magandang babae at pumunta ito sa harapan.

"Good morning! I'm Irish Nicole Buenavista, you can call me Irish or Nicole. It's up to you kung ano ang itatawag niyo sa akin."

"Okay... Ms. Bueanvista you may now take your sit."

Tumingin-tingin si Irish ng bakanteng upuan at nakita niyang may bakanteng upuan sa tabi ng isang babae. Lumapit si Irish sa babae kung saan katabi nito ang bakanteng upuan.

"Hi! Pwede ba akong maki-upo dito?"

"Hello! Oo naman, pwedeng pwede."

Umupo na si Irish sa right side ni Czarina, sa left side naman ni Czarina ay naka-upo si Gabe.

"Gabe! Uyy, psst!"

"Bakit Czarina? May problema ba?"

"Ang unfair hindi ako pinakilala."

"Bayaan mo na Czarina. Ganyan din ang ginawa niya sa akin."

"Ginawa niya rin 'yun sayo?"

"Oo. Una, aalamin niya ang surname mo. Tapos kapag ka-apelyido mo ang isa sa mayayaman, kilala, makapang-yarihan at maimpluwensiya na pamilya ay tatanungin niya kung kapamilya o kamag-anak mo sila pero kapag sinabi mong hindi... Hindi ka niya bibigyan ng pansin."

Czarina's POV

Hindi na makatarungan ang ginawa niya sa amin ni Gabe. Unfair! Mag-papakilala ako sa ayaw man niya o sa ayaw man niya. Wala siyang magagawa.

Tumayo si Czarina sa kinauupuan.

"Excuse me Ma'am but I am also a new student in this room. I'm also their new classmate."

"Hija, you're so arrogant. What is your family name?"

"Sandoval." Matapang na wika ni Czarina.

"Are you related to the Sandoval family?"

"I... I am not related to them Ma'am."

"You don't have the right to———"

"Excuse me Ma'am but based in Article 3 section 4, she have a freedom of speech and collective expressions. So you don't have the right to take it away from her Ma'am."

"Okay, Ms. Sandoval you may now introduce yourself."

Pumunta si Czarina sa harapan at nag-pakilala.

Yumuko si Czarina saka tiningnan ang mga kaklase niya. "Sorry sa nangyari kanina. I'm Czarina Marie Sandoval. 17 years old. You can call me Czarina if you want. I'm a simple person and————"

"My Assistant." Ngumiting aso si Jaeger matapos sabihin na alalay niya ang dalaga.

"Jager's Personal Alalay."

 

"Hahahaha! She's a commoner!"

 

Lahat ng kaklase ni Czarina maliban kay Gabe at Irish ay tumatawa.Bumalik si Czarina sa upuan niya ng naka-yuko.

 

"Hey... are you okay?"

"Yep! I'm okay..."

"Here... you can use it."

Inabot ni Gabe ang panyo niya kay Czarina.

"All of you stop! Wala kayong karapatan na laitin siya. She may file a case against all of you and I can help her. Now, say sorry to her."

"Czarina sorry..." wika ng lahat ng kaklase ni Czarina maliban kay Jaeger, Steven at Gabe.

"Sorry Czarina for what I've done."

 

"Okay class because of what had happen I'll dismiss you early. Ciao!"

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon