Chapter 26: Missing you

14.7K 274 2
                                    

Jaeger's POV

Dalawang lingo na ang nakalipas ng umalis si Czarina sa bahay. Sa dalawang lingo na iyon, wala akong balita sa kanya. Hindi pa rin siya pumapasok sa school. Ano na ba ang nangyari sa kanya? Saan ba ang bahay ng Tita niya? Matanong na nga lang si Mei baka alam niya ang nangyayari kay Czarina at sigurado ako na alam niya kung nasan si Czarina.

"Mei!"

 
"Yow! Jae, what's up?" Epal talaga ang lalaki na ito. Kung hindi ko lang ito kaibigan, baka nasapak ko na siya.

 
"Ikaw ba si Mei?"

 
Binatukan ni Shaomei si Steven. "Iyan kasi, ang epal mo kasi Hun eh." Natatawang wika ni Shaomei.

 
"Sorry Hun. Mas mabuti ng kausapin ko muna si Jaeger. Mahirap na baka maagawan pa ako."

 Niyakao ni Shaomei si Steven. "Ang sweet talaga ng Hun ko..."

Nakakasuka ang dalawang ito. Dapat siguro,  higpitan nila Mom ang rules ng school regarding PDA.

A/N: Kung nag-tataka po kayo kung bakit Hun na ang tawag ni Shaomei at ni Steven sa isa't-isa dahil mag-Boyfriend-Girlfriend na sila. Endearment nila yun sa isa't-isa.

"Wala kayo sa private place. Baka nakakalimutan niyo na nasa public place tayo and worst nasa school pa tayo." Pag-papaalala ko sa dalawang nakakasuka.

 
"Inggit ka lang! Wala kasi dito si Czar eh!" Binelatan ako ni Shaomei dahilan upang mawala ang pasensya ko.

 
"Cut it off!" Wika ko sa dalawa.

 
Bumitaw si Mei sa oag-kakayakap kay Steven. "Anong kailangan mo?"

 
"Hun, mali ang tanong mo. Dapat ang itanong mo ay 'Saan ang bahay ng Tita ni Czarina?'"

"Hindi pwede sabihin Jae eh."

 
"Nonsense. Hindi na lang sana ako nag-tanong. Ipapahanap ko na lang siya."

 
"If I were you Jae, hindi ko gagawin iyon."

 
Nang dahil sa dinabi niya ay kumunot ang noon ko. "Bakit mo iyan nasabi?"

 
Nag-kibit balikat si Mei bago sagutin ang tanong ko. "Dahil hindi mo siya mahahanap. Napaka-imposible na mahanap mo siya."

 
"Walang imposible sa diksyunaryo ko."

 
Sumeryoso bigla ang mukha ni Mei. Kinakabahan ako sa nakikita kong ekapresyon sa mukha niya kahit hindi ko alam kung may dapat ba akong ikakaba.

"Pwes dyan ka nag-kakamali."

 
"Bakit?"

"Jae, you must wait for her. Kahit ilang araw, linggo, buwan o taon man... kung mag-papakita siya, mag-papakita siya. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-hintay."

Napangisi ako sa mga  binitiwan niyang salita. "Just like before. Iyan din ang mga salitang sinabi mo sa akin."

"Jae..."

"No, Mei. I won't wait this time. Tama na ang isang beses na nag-hintay ako at walang nangyari. Hindi ko na ulit gagawin ang katangahan na iyon."

"Hindi sila mag-kaparehas Jae. Huwag mong itulad si Czar sa kanya."

My eyebrows furrowed as I clenched my jaw.

"Hun itigil niyo na nga yang pag-uusap niyo. Baka ma-develop ka kay Jaeger at iwan mo ako." Maybe Steven felt the tension that's rising between us. I just can't control my emotions especially when Mei mentions her.

I  try to calm myself but I can't. Tinalikuran ko na ang dalawa.

 
"Bye, Jae! Huwag kang mag-alala makikita mo rin siya."

Hindi ko na sila nilingon pa. Ioinag-patuloy ko na lang ang aking pag-lalakad.

"No. I can't wait for this time. Baka hindi na siya bumalik."

*** end of Jaeger's POV***

(Sandoval's Residence)

 

"Ma, pwede na po ba akong pumasok?"

"No, Anak."

 "Ma, dalawang linggo na po akong hindi pumapasok."

"I know."

"Ma! Wala naman po akong ginagawa dito. Sa school marami akong ginagawa at bussy ako roon."

 
"Anak, listen to me. Your Dad planned this."

 
"But Ma——" Susubukan ko ulit sanang mag-reason out kay Mama ngunit pinigilan niya ako.

 
"May ginagawa ka naman dito Anak. Bussy ka naman sa mga tinuturo sayo ng tutors mo."

Out of frustration ay napaupo ako sa kama. Ang tagal na nila akong inilalagak sa bahay na ito. "Ma, wala akong nagagawa rito na gusto ko. Sa school kahit bussy ako ay nag-eenjoy ako. Lahat ng ginagawa ko sa school ay gusto ko."

"Anak, this is for your own good."Nilapitan ako ni Mama at hinagod-hagod niya ang likod ko.

"Alam ko po.... pero saan ko po magagamit iyang mga tinuturo nila sa akin? Ang higpit nila masyado. Kailangan maayos akong mag-lakad, maayos ang pananalita ko." Huminto ako upang pag-masdan ang kanyang reaction. Nang makita kong hinihintay niya ang susunod na sasabihin ko ay nag-patuloy ako.

"Tinuturuan nila ako ng iba't-ibang lenggwahe. Sa pagkain ko kailangan maayos, atsaka pati na rin yung pananamit ko ay pinapake-alaman nila."

"Kailangan lahat ng cherbalu ko ay bumonggacious." Nakita kog kumunot ang noo ni Mama marahil siguro sa mga huli kong sinabi ngunit hindi niya ako pinahinto sa pag-sasalita kaya nag-patuloy ako.

"Feeling ko tuloy ako si Prince Harry. Para saan po ba iyong mga tinuturo nila? Hindi ko naman magagamit iyo sa pang-araw-araw. Ang tanging gusto ko lang ay normal.. normal na ako." Huminga ako ng malalalim saka humiga sa kama.

 
"Malalaman mo rin 'yan Anak. Soon... Mag-ayos ka na. Gawin mo na ang dapat mong gawin at darating ang isa mo pang taga-pagturo." Hinimas ni Mama ang buhok ko dahilan upang kumalma ako.

 
"Hindi ko haharapin ang susunod kong taga-pagturo."

Kung may nakakakilala man sa akin, iyon ay si Mama. Alam niyang hindi ako mag-papatalo. Huninga siya ng malalim saka muling nag-salita. "Okay, Anak... I'll make this easy for you. Umattend ka sa tutors mo at pwede ka ng pumasok bukas."

 
Napabalikwas ako ng bangon ng dahil sa sinabi niya. "Talaga Ma? Talagang-talaga?"

 
"You heard me Anak. By the way, mag-bigay ka sa akin ng list ng mga taong gusto mong imbitahan sa debut mo."

Sobra akong natutuwa sa kanyang pasya na papapasukin na nila ako sa paaralan. Ngunit agaran din ito nawala nang dahil sa pag-banggit niya sa gaganaping debut ko. "Ma... next next month pa po ang Birthday ko." Pag-papaalala ko sa kanya.

Tumayo si Mama saka inayos ang nagusot niyang bestida. "I know, Anak. Just do it. Mas maganda kung mas maaga. Ayaw namin ng Dad mo na mag-habol sa oras."

Umalis na si Mama at naiwan ako sa kwarto.

Gusto ko ng pumasok. I miss him so much. Hindi ko siya matawagan or matext man lang dahil nasira ko ang cellphone ko. Kinuha rin ni Dad ang laptop ko pati tablet. Hindi ko machat si Hangin.

Hindi bale, unting tiis na lang at makikita ko na siya.

Tumunog ang intercom ng kwarto ko dahilan upang bumusangot ako.

"Miss Czarina, andyan na po sa baba ang isa mo pang tagapag-turo."

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now