Chapter 22: Decision

14.7K 284 1
                                    

"Jaeger, hindi ako papasok. Paki sabi na lang sa mga Teacher natin." Nag-mamadaling inayos ni Czarina ang kanyang mga gamit.

"Bakit?"

"Basta. Wednesday ngayon kaya wala tayong quiz at hindi tayo mag-kakaroon ng quiz."

"Saan ka ba pupunta? Gusto mong samahan kita?"

"Hindi. Huwag. Pumasok ka na. Ma-lelate ka na. Alis na ako." Isinukbit ni Czarina ang kanyang backpack sa balikat. Dire-diretso siyang umalis at hindi na nilingon si Jaeger.


Czarina's POV

Ano kaya ang nangyaring pag-babago sa bahay namin? Nakakamiss ang bahay. Nakakamiss si Papa, si Mama at sila Aling Nora.


Nasa tapat na ng malaking bahay si Czarina at nag-door bell na ito. May lumabas na imahe sa maliit na screen na katabi ng door bell.

"Czarina, hija?"

"Ako nga po. Aling Nora, kamusta po?"

Kitang-kita ni Czarina ang pag-kagalak ni Aling Nora na makita siya. "Czarina bukas na ang gate. Hintayin mo na lang ang sasakyan para mahatid ka dito. Namiss kitang bata ka."

A/N: Malaki kasi ang bahay ni Czarina. Bago ka pa makarating sa mismong bahay nila ay kailangan mo ng masasakyan dahil sobrang layo ang pagitan ng gate nila Czarina mula sa bahay nito. At hindi mo makakayanang lakarin iyon dahil paniguradong mapapagod ka lang.

Nakarating na sila Czarina sa mismong bahay nito at nakita niya si Aling Nora na nakatayo sa may pintuan.

Agad na sinalubong siya ni Aling Nora at niyakap. "Hija... ang laki-laki mo na. Mas lalo kang gumanda."

Bumitaw sanpag-kakayakap kay Aling Nora at napakamot sa noo nito. "Salamat po. Sila Mama po?"

A/N: Eloisa po ang pangalan ng Mama ni Czarina at Nathaniel naman po ang pangalan ng Daddy/Papa nito.

Humahangos na tinungo ng isang eleganteng babae si Czarina. "Czarina, anak..."

Niyakap ni Eloisa si Czarina. "Kamusta na ang Prinsesa namin?"

Yumakap ng mahigpit si Czarina sa kanyang Mama. "Ma, okay lang po ako. Miss ko na po kayo."

Bumitaw sa pag-kakayakap ang dalawa. "I miss you too Anak. Mabuti naman at pumunta ka dito."

"Ma... si Papa po ba nasa work pa?"

"Oo. Why?"

Huminga ng malalim si Czarina. Napag-desisyunan na niya ito at wala na itong sukuan. "Ma.... payag na po ako. Payag na akong mag-debut."

Nanlalaki ang mga mata ni Eloisa sa narinig. "Are you sure Anak? Ano ang nakapag-pabago sa isip mo?"

"Hmm.. Sabihin na lang po natin na nag-bago ang isip ko ng dahil sa narealize ko."

"Kahit ano man ang dahilan na iyon anak na nakapag-bago ng isip mo ay nag-papasalamat pa rin ako dahil pumayag ka na." Masayang wika ni Eloisa.

"Ma... sa debut ko ba ay may mga press?"

"Yes, Anak. Why? Is there any problem?"

Muling humugot ng malalim na hininga di Czarina. "Wala po. Ma.... pwede po bang walang press o media?"

Lumungkot si Eloisa nang dahil sa hiling ni Czarina. "Anak... alam mo namang hindi pwede. Sorry Anak."

"I understand po." Napawi ang mga ngiti ni Czarina na kanina ay nasisilayan ni Eloisa. Nag-buntong hiniga si Czarina at muling ngumiti. Ngumiti siya para hindi lumungkot ang kanyang Mama nang dahil sa hindi siya nito napag-bigyan.

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now