Chapter 19: Birthday Gift

16.3K 344 12
                                    

"Done practicing?"

Czarina's POV

Tikbalang naman oh! Jaeger kasi. Nakaka-preassure. Biruin niyo, kahapon lang niya sinabi sa akin na kakanta ako sa event nila tapos ngayon ko lang nalaman na mamaya na pala ang event. Dakilang shongangers din naman kasi ako eh, hindi ko naitanong sa kanya kung kailan.

"Hindi pa!"

"Ahmm... Pwede ka ba munang mag-break? May ipapakita lang ako." Napakamot si Jaeger sa likod ng tenga nito.

"Ano yun?"

"Sumunod ka na lang sa kwarto."

Sinundan ni Czarina si Jaeger at nang nakapasok na siya sa kwarto ni Jaeger ay nag-ningning ang mga mata niya

"Jaeger... para sa akin 'to?"

"Sino ba sa tingin mo sa mga tao dito ang mag-kakasya sa isang maliit na damit na yan? Ikaw lang naman ang patpatin dito."

"Weee! Jaeger~ salamat! Ang ganda ng damit at ng sapatos!" Nakangiting malapad si Czarina habang hawak-hawak ang damit at sapatos na nakapatong sa kama ni Jaeger.

Tumalikod na si Jaeger kay Czarina nang biglang niyakap ni Czarina si Jaeger. At nung bumitaw na sa pag-kakayakap si Czarina ay biglang humarap si Jaeger at sa kasamaang palad ay yun din ang time na hahalikan ni Czarina si Jaeger sa pisngi. Sa halip na pisngi ni Jaeger ang mahalikan ni Czarina ang nahalikan ni Czarina ay ang labi ni Jaeger. Parehas silang nagulat, parehas lumaki ang kanilang mga singkit na mata. Nanatili ang ganung position nila sa loob ng 10 secs. Biglang lumayo si Czarina nang nag-kamalay siya ganun rin ang ginawa ni Jaeger, parehas silang nangamatis ang kulay.

"A-ah... So-so-so-sorry. D-di k-ko sinasadya." Hindi mpakaling saad ni Czarina.

"A-o-o-okay lang. Sige m-ma-maliligo na ako." Namumulang wika ni Jaeger na tulad ni Czarina ay hindi rin ito mapakali.

Mabilis umalis ang dalawa sa kanilang kinatatayuan.

Lumipas ang ilang oras at isang oras na lang ang natitira para mag-simula ang party. 7PM sharp kasi ang simula.

Lakad ng lakad si Czarina. Pilitin man niyang wag alalahanin ang nangyari kanina ay hindi niya magawa.

Naagaw ang atensyon niya nang may kumatok sa pintuan.

"Pasok po."

Pumasok ang Make-up Artist sa loob.

"Hija, I will be your Make-up Artist, pinadala ako ni Jaeger."

"Ahh. Ano po kasi... H-hindi ako mag-memake up."

"What? Hija, kailangan kitang ayusan. Papagalitan ako ni Sir Jaeger."

"Pero Miss, ayaw ko po talagang mag-make up. Powder na lang po ang gagamitin ko." Nakangiting saad ni Czarina.

"Hija, hindi nga kasi pwede. Kahit na maganda ka pa sa powder lang, hindi pa rin pwede. Isa pa, mahigpit na bilin sa akin ni Sir Jaeger na ayusan ka para mag-mukhang presentable ka kung tingnan. Kapag hindi po kita inayusan, baka po mawalan ako ng trabaho. Papaalisin po ako ni Sir Jaeger sa pinag-tratrabahuan ko."

"Sila Jaeger ba ang may-ari ng Salon na pinag-tratrabahuan mo?" Gulat na saad ni Czarina.

"Co-owner po ang mother ni Sir Jaeger."

"Ahh. S-sige po. Kayong bahala. Pero, sana po light make-up lang."

Kinindatan ng make-up artist si Czarina. "Akong bahala. Shall we start? "

Nag-bunting hiniga si Czarina. "Sige po."

"Sisiguraduhin kong ikaw ang pinaka-maganda sa lahat." Masayang saad ng make-up artist.

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now