Chapter 23: Shaomei's POV

14.1K 264 9
                                    

Teka, ang aga naman ng babaeng ito. Mukhang hindi pa niya kasama si Papa J. Solo ang peg.

"Psstt! Czar~"

"Oh, bakit? May kailangan ka?"

"Lalim ng iniisip natin. Ano problema?"

"Pumayag na akong mag-debut."

Nag-silakihan ang mga mata ko sa sinabi niya. Mukhang alam ko na ang nag-udyok sa babaeng ito para pumayag sa kagustuhan nila Tito. "Problema nga. Paano mo sasabihin sa amo mong minamahal ang totoo?"

At ayan na nga, si G*ga ay napabuntong-hininga. "Ewan. Shao, CR lang ako."

Umalis si Czarina nang hindi man lang hinihintay ang sagot ko. Shems! Naiwan ang beauty ng Tita niyo dito.

"Shao-Shao ko~"

Langya. Andito na naman ang tuta na 'to. Kailan ba ako nito tatantanan?

"Ano ba Steven? Ang aga-aga nambubulabog ka, isa pa hindi ako aso!" Tinulad pa niya ako sa kanya. Tss! Hindi ako aso, pre.

"Shaomei naman, hindi ko naman sinasadya iyon."

"Iyon na nga eh! Hindi mo sinasadya."

"Shao ko, pansinin mo na ako. Matagal mo na akong hindi pinapansin. Simula nung nahalikan kita. Hindi ko naman sinasadya iyon. Sorry na."

"Hindi mo sinasadya sa akin pero sa iba sinasadya mo?" Stop fooling me, you, little pup.

"Shao ko, nag-seselos ka ba sa mga nahalikan ko? Mahal mo na ako noh?"

Ako? Ako, mag-seselos? Hah! No, way.

"Selos ka noh? Aminin mo na kasi." Makulit talaga ang tuta na ito. Sarap batukan.

"Asa, pre."

Lumukot ang mukha ng makulit na tuta. Ngumuso siya na akala mo naman pinag-bagsakan ng langit at lupa.

"Sige. Mag-hahanap na lang ako ng iba. Marami naman iba diyan. Sabi nga ni Jaeger, there's a lot of fish in a sea."

Hindi ko mapigilan irapan ang isang ito. Tatak babaero talaga. "Good luck to you man. As if, makakakita ka ng sariwang isda. Isa pa, sapat na sa iyo ang isda? Pre, pili ka naman ng magandang quality."

"Quality?" Okay. Buffering po ang pag-iisip ni Tuta.

"Tsk! Hindi ka ba hahanap ng goddess of sea?"

"Goddess of sea? Di ba mythical creature lang ang nga iyon?"

"One in a billion lang iyon, pre. It means, itong nag-iisa. Walang katulad. Tulad ng determinate thing sa law."

"Sus! Selos ka lang eh. Oh, sige, diyan ka na lang. Mag-hahanao pa ako ng chikas na papatol sa akin."

Hinatak ko ang collar ng tutang ito. Napaka-babaero talaga eh. "And where do you think you are going?"

"Chikas? Mag-hahanap?"

"Hindi ka talaga mapalagay?"

"Alam mo Shao ko, napapalagay naman ako kung aaminin mo na mahal mo na ako."

"No, way."

"Yes, way. Sige ka, tatanda ka ng matandang dalaga. Ako na lang kasi ang papatol sa iyo. Bahala ka. Nakakatakot ang mag-isang tumanda."

"Talaga? Kaya ba puro pambababae ang ginagawa mo kasi takot kang tumanda?"

"Shao, nirerecognize ko lang ang pag-appreciate ng mga babae sa looks ko."

Kaibigan nga talaga siya ni Jae. Mahangin din kasi ang isang 'to.

"Good bye for now, Shao ko. Mag-hahanap lang ako ng chikas na makaka-appreciate sa akin. Hindi tulad ng isa diyan."

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now