Siya rin ang pawang napahinto lamang at napapatitig sa akin. I didn't bother to look away for I was hoping that she could feel everything that I've said was geniune and true to my heart.

Siya ang unang nagiwas ng tingin. Marahil ay iniisip niyang pinaghuhusayan ko nang husto ang parte ko sa palabas naming ito.

~•~•~•~•~•

It was not part of the plan. Hindi rin plano ang pagkakaroon ng press conference pagkatapos ng naganap na kasal. My brother insisted on that after party, parehas kaming walang alam ni Mason roon. Hindi na ako nakakontra pa pagkat ayokong isipin ng kapatid kong walang katotohanan ang lahat ng nagaganap.

Ang ikinaiirita ko lang ay kung bakit kailangan pang magpabida ni Mason sa mga reporters na iyon. As if he was flirting with one of them. Not that I care, but for goodness sake, we just got married. Baka mabuko pa kami ni Wilson sakaling makita niya ang magaling kong 'asawa' na nakikipaglandian sa iba.

"Bakit ka na naman nakasimangot diyan? It's our honeymoon. Hindi ba dapat nagsi-celebrate tayo ngayon?" Nakakalokong ngiti ang ipinukol sa akin ni Mason nang makarating kami sa pent. Doon kami manunuluyan. I insisted and Mason couldn't do anything about it.

Inirapan ko siya. Wala akong panahong makipagbiruan sa kanya ngayon at pagod ako. Hindi birong gumanap na totoong iikasal sa harap ng iba.

Nilampasan ko si Mason papaunta sa aking silid. I just wanna shower now and go to bed.

"Gustong-gusto ko talagang pinatitirik nang ganyan 'yang mga mata mo." Tudyo pa nito maya-maya. Sa inis ko ay kumuha ako ng unan sa kwarto at inihambalos iyon sa pagmumukha niya. Sinabi ko na sa kanyang wag akong bibiruin nang ganoon.

"Ang pikon mo." Inagaw nito ang unan mula sa akin at tilang nagpapa-cute na tiningnan ako.

"Ikaw naman gago! I had enough with your green jokes! Gusto ko nang matulog pero iniinis mo pa ako! If you don't stop, you might end sleeping outside." Ngumuso ito at nagsimula nang magtanggal nt suotin.

Sinimulan nitong luwagan ang necktie hanggang sa itapon iyon sa malayo. Unti-unti rin nitong tinatanggal ang bawat butones ng kanyang polo. Hanggang sa wala na siyang suot kung hindi ang kanyang pantalon.

Para akong napako sa kinatatayuan ko ngunit agad ding nagiwas ng tingin nang makita ko ngiting-ngiti ang damuho, tuwang-tuwa sa pangaasar na ginagawa sa akin.

Napalunok ako. Tila mabilis rin ang pintig ng aking puso. Walanghiyang lalaki, paano niya nagagawa ang mga bagay na iyon sa akin gayung alam ko namang niloloko lang naman niya ako. Pawang bigla kasing naginit ang paligid sa ginawa niya.

I just shook my head and left him there. Sadyang pagod lang siguro talaga ako kaya't pinapapawisan ako nang ganito ngayon.

Narinig kong tatawa-tawa ang siraulong lalaki na iyon nang iwan ko siya. Damuho talaga siya.

I WOKE UP in a smell of freshly brewed black coffee that morning. Ang bango noon at hindi ko napigilang mapabangon nang maamoy ko iyon. Mistulang humahalimuyak sa aking ilong amoy noon.

"Oh, you're awake. Good morning wife." Pawang doon ako nagising nang tuluyan. Ang akala ko kasi ay parte parin ng panaginip ko ang mabangong amoy na naamoy ko kanina.

Pupungas-pungas na iminulat ko ang aking mga mata at nakita na naman ang hubad na katawan ni Mason. Wala itong suot bukod sa boxers na at apron lamang na nagtatakip sa kanyang katawan. Sukat maibato ko ang hawak kong hairbrush sa nakita.

"Will you please get a shirt or something? Hindi kalye itong bahay ko para mamuhay rito na parang tambay." Napasimangot ito at saglit umalis. Pagbalik nito ay nakangiti nang muli at may suot ng t-shirt.

Flademian Monarchy 4: For the Girl Who has Everything (COMPLETED)Where stories live. Discover now