Lie #11: Why Me?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano ba yung sasabihin mo sakin?" tanong ko nang makaupo na kami. Isang dipa lang ang layo namin sa isa't isa.

Hindi naman siya sumagot. Nakatingin lang siya sakin. Naco conscious tuloy ako. May dumi ba sa mukha ko?


"Uhm, Robie ano ba yung--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko. Hinila niya ako padikit sa kanya and put his lips on mine. Sa kabiglaan ko, hindi ako makapag react. Nanlaki lang ang mata kong nakatingin sa kanya habang siya nakapikit na hinahalikan ako. Anong nangyayari?


Humiwalay na siya sakin. Hindi ko naman alam ang sasabihin kaya tinignan ko lang din siya "Matagal ko ng gusto gawin sayo yun, Erica. Hindi lang ako nagkakaroon ng pagkakataon dahil lagi kayong magkasama" hindi ko na kailangan pang pag isipan kung sino yung tinutukoy niya. Si Derick.


"I know this is absurd pero ganito naman talaga ang pagmamahal di ba? You never know kung kailan darating" he added


"Anong ibig mong sabihin?" I asked back dahil nalilito na talaga ako. Why out of the blue ay bigla na lang niya akong hinalikan? Si Derick ginawa din sakin to dati nagalit ako pero bakit ngayon hindi ko magawa kay Robie? I dont know. Siguro I feel more respected now. This is just a light kiss. Hindi katulad nung ginawa ni Derick nun. Marahas. Masakit.


"I think im inlove with you"


"You're crazy" I taunted


"Is it that hard for you to believe? Erica, Im inlove with you. I dont know how and why. Basta nagising na lang ako na ito na ang nararamdaman ko. You dont know how it hurts me to see the both of you na ganon ka close"


"I love you" and "I'm in love with you" are two totally different things." hindi pumapasok sa utak ko yung sinasabi niya. And I dont know if I am able to digest those words. Baliw na siya. Mas madami dyan na better sakin. Kaya malabong sakin siya mahulog. Kalokohan


"I dont know and I dont care. Mas mahalaga sakin, ikaw. Erica please, hindi ko na alam ang gagawin. Without you, Im slowly losing my mind. Lalo na kapag kasama mo yung Derick na yun. Hindi ako mapapanatag"


"What's with him?"


"Natatakot ako na baka sa kanya ka mahulog. I cannot live with that fact" kung sana nandito si Annabeth ngayon so I can ask her out. But nope, alam ko na ang isasagot niya. Gustong gusto niya to si Robie para sa kin. At isa pa, this matter should be solved by me. Only me. Hindi ko pwedeng iasa sa iba ang magiging pananaw ko pagdating dito.


"I dont know why is it, out of the blue bigla mo na lang ide declare na mahal mo ako. I just cant believe it right away. Im sorry" I ended. This is just so crazy. Paanong nangyari yun?


"Well, since madalas kayo magkasama sasabihin ko sayo ang lahat. Ayokong tarantaduhin ka niya. Robie had girlfriend before. Si Julie. They were the it couple something until makipagbreak sa kanya yun. At ako daw ang dahilan. The bitch keeps on boggling me. Na gusto niya ako etcetera. Nakarating of course kay Robie yun. He got mad, ako ang pinagbuntungan niya, napikon ako, nag away kami, then there!" ngumisi pa siya at napailing. As if that incident ay hindi niya talaga nagustuhan.


"Ano naman ang kinalaman ko? Ano yung sinasabi mo na gagamitin niya ako? At yung sinabi mo sa resto nun. Ano ang ibig sabihin nun?" sunod sunod na tanong ko. Darn, curiousity is killing me at its best!


"You're not getting my point, arent you? Alam ni Robie na may gusto ako sayo. Kaya gumaganti siya"

Hindi kaya tama si Derick? Hindi nga kaya ito yung sinasabi niya nun na gagamitin ako ni Robie?


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon