Halos matumba si Katarina sa pagkakabitaw ni Raegan pero nasalo siya ni Alexa sa likuran. 

"What the hell, Roli?!" Sigaw ni Katarina at tinulak si Raegan. 

Napaatras lang si Raegan at napatingin sa nanginginig niyang mga kamay.

"I-I'm sorry," mahina ang boses ni Raegan. 

Tumingin si Katarina sa direksyon ko. "IKAW!"

Aatakihin sana ulit ako ni Katarina pero mabilis si Mam Perez na humarang sa kanya. 

"Ate!" Reklamo ni Katarina. "Bakit ba tinutulungan niyo siya? Hindi mo ba nakita kung anong ginawa niya kay Roli? Inaahas niya ang fiance ko!"

"Naguusap lang sila, saka ikaw yung umatake kay Gene." Kalmado ang boses ni Mam Perez.

"Pero--!"

"Shut up."

Napatingin kaming lahat kay Raegan na inaalalayan na ngayon ni Alexa. 

"What did you say?" Demanda ni Katarina sa girlfriend niya.

"I told you to shut up." Malamig ang boses ni Raegan, walang emosyon sa mukha.

Kumunot ang noo ni Katarina sa galit pero huminga siyang malalim para pakalmahin ang sarili. "Roli--"

"Stop calling me that." Pagputol ni Raegan sa sinasabi ni Katarina.

"Roli," pag-ulit ni Katarina, "what's wrong? What did she tell you?"

"We were just talking about our break up."

Parang nakahinga ng maluwag si Katarina sa sagot ni Raegan at lumapit siya para hawakan ang pisngi ng henyo pero umiwas lang ito sa kanya.

"Roli..."

"Apologize."

Parang dinagukan si Katarina sa narinig niya at muling nag-iba ang ekspresyon niya sa mukha. "Bakit ako maga-apologize?!"

"You hurt her."

Natawa si Katarina. "I'll never apologize to Gene."

"How about to my best friend? Or to ate Marian? Hindi ka rin mag-aapologize? Nasaktan mo din sila."

Napatikhim si Katarina.

"If you cared enough for me, you'll care for my family too."

"Pero patay--"

"I'm not talking about them, I'm talking about Alexa and ate Marian." Agad na sagot ni Raegan. "They're my family now."

Napatingin si Katarina kay Alexa tapos kay Mam Perez. Napalunok siya pero nagsalita rin agad, kahit mahina lang. "I'm sorry."

"Good, now apologize to Genesis." 

"Roli--"

"APOLOGIZE!" Sigaw ni Raegan at biglang may tumulong dugo mula sa ilong niya. 

Napahakbang kaming lahat papalapit kay Raegan pero pinunasan niya lang ito gamit ang likuran ng kamay niya.

"Roli--"

"Katarina, I swear to all the gods I will personally throw you out of this room if you don't apologize to her." Banta ni Raegan.

"Raegan," kumapit lang si Alexa sa bestfriend niya in case bigla nitong sunggaban si Katarina, "okay na. Let's get you to bed."

Pero hindi gumalaw si Raegan at wala nang ibang nagawa si Alexa kundi ang alalayan ito.

Napatingin si Katarina kay Mam Perez, tila humihingi ng tulong. Pero hindi nagsalita si Mam Perez kaya muli niyang ibinalik ang tingin kay Raegan.

Split AgainWhere stories live. Discover now