46

2.6K 52 5
                                    

Nag stop over ang aming bus sa isang fastfood. Napakalamig ng simoy ng hangin. Madaling araw na at lahat kami ay nag uunat upang magising ng tuluyan. Nagsibabaan na ang ibang laman ng bus habang kami naman ay nag aayos ng aming gamit. Hindi ko parin pinapnsin si Jayvee mula kagabi. Sinubukan kong paliramdaman kung ano ang mood niya at mukhang okay naman. "AC, tara", tawag sa akin ni Miguel. Sinabi kong susunod na lamang ako, inaayos ko pa kasi ang laman ng bag ko.

Nagsibabaan na ang lahat sa aming bus at si Jayvee ay narito paring nakaupo. Ayoko namang kausapin pa ang isang 'to, bahala siya kung ano gusto niya. Tatayo na sana ako para lumabas ng bus nang hinarang ng baliw na'to ang paa niya sa upuan. "Nananadya ka ba?", sigaw ko sa kanya. Hindi ito kumilos o umimik bagkos pansin ko sa mata niyang maluha luha ang kalungkutan. "Okay, mabait naman akong tao kaya sige, mag usap tayo", paliwnaag ko sa kanya.

"Ano ba problema mo Mr. Alcantara?"

"AC, aalis na ako"

"Edi mabuti, kailan?"

"Sa makalawa, doon muna daw ako titira sa Tita ko sa US para makaiwas sa mga issues, kaya sana bago ako umalis gusto ko makapag sorry ako sayo"

Nabigla ako sa mga paglalahad niya. Unti unti kong nararamdaman ang paglambot ng matigas kong puso. Umiwas na lamang ako ng tingin upang hindi nito mapansin ang pagtulo ng luha ko. Tama ba ito? Ba't ako naluluha? Alam kong nakalimot na ako pero bakit parang bumabalik lahat ng sakit? Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat. "Alam ko hinding hindi mo ako mapapatawad AC pero sana huwag mong isara ang puso mo dahil lang sa gagong tulad ko.", litanya nito.
Hinarap ko siya at ibinuhos na ang matagal komg kinimkim na sama ng loob. "Alam mo bwiset ka eh!!! Noong ginawa mo 'yun sakin, parang gumuho ang buong mundo ko, nawalan ako ng pag asa na sana may isnag taong magpapatunay na pwede pala akong maging masaya. Hindi ako nagalit sayo in fact mas galit ako sa sarili ko kasi pinilit komg magpaniwala sa mga ilusyon ko, pero ngayon okay na tinanggap ko na lahat pero sana huwag mo nang gawin sa iba kasi ang sakit! Sobrang sakit! Hindi ko kakayanin na mag makaranas pa ng ganito", mahaba kong litanya. Hindi na umimik si Jayvee. Pinunasan nito ang mga luha ko at niyapos ako sa huling pagkakataon. Lalong bumuhos ang luha ko at 'di ko na nakontrol ang aking emosyon.

"'Wag ka na umiyak AC, ito na nga oh aalis na ako, hindi mo na makikita ang badboy slash badboy slash adik na nanakit sa'yo"

sinuntok ko siya ng makas sa kanyang braso dahil sa kanyang sinabi.

"Bakit? 'Di ba totoo naman? Hehe"

"Alam mo mas lalo kitang 'di patatawarin sa pang aasar mo"

"Hindi mo ba ako mamimiss?"

"Hindi, abuso ka pinatawad na nga kita tapos mamimiss pa kita, abuso ka na"

"Sige na nga alis na ako bye", pagbibiro nito na akmang tatayo na para lumabas ng bus. Pinigil ko naman ito at hinatak ang kanyang kamay.

"Jayvee!", sigaw ko sa kanya

"Mamimiss mo na ako?"

"Oo na"

"Ba't hawak mo parin kamay ko?"

Namula na ako nang tinanong niya iyon sa akin. Ba't nga ba? Ba't 'di ko bitawan kamay niya? Ang tanga ko talaga kahit kailan.

"Sorry din pala hindi ko muna pinakinggan paliwanag mo"

"Wala ka kasalanan AC, ako lang talaga hindi naging tapat sa'yo kaya sana kung magmamahal ka ulit 'yung hindi na kagaya ko na fuckboy slash badboy slash adik."

"Ano ba??? Paulit ulit ka"

"'Di ba 'yun naman description mo sa akin mung una hehe"

"Oo pero...hindi ka naman talaga badboy, adik medyo pero sa fuckboy sobrang oo hahahahahahha"

"O tignan mo"

"Biro lang"

"Basta 'yung bilin ko, lagi ka magingat huwag ka na papabiktima sa mga gago ha?"

"Oo nadala na kaya ako sa'yo"

"Hehe pwede ba?"

"Pwedeng ano?"

"Pwede tayo nalang ulit?"

"Hmmm 'yun ay hindi ko alam, magiging ama ka na huy! Alagaan mo 'yung magiging baby mo at si Jane"

"Opo boss areglado, pero pwede bang?"

"Pwedeng ano nanaman???"

Sumenyas lamang ito at pinaandar nanaman ang pagkalokoloko niya. Ngumuso ito turo ang likod na upuan at kinagat ang kanyang labi.

"Gusto mo sampal???"

"Joke lang, fuckboy kasi ako"

"Buti alam mo, tara na kumain na tayo"

"Kainin kita diyan eh"

"Ano kamo???"

"Wala sabi ko tara na"

"Medyo lumayo layo ka sakin baka kung ano isipin nila"

"'Di ba wala na tayo and that means classmates nalang tayo"

"Ah oo nga pala"

"'Di ka pa nakamove on noh?"

"Wow huh ang yabang mo, lumayas ka na nga dito sa Pilipinas, hambog!"

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon