3

8.3K 136 0
                                    

Nandito na ako sa room kung saan binabalot ng katahimikan as per usual ganon naman tuwing first day mabibingi ka sa katahimikan. Walang kibuan at halos marinig mo na ang pulso ng bawat isa. Akala ko tuloy ako lang ang bagong salta dito buti nalang talaga. Hindi pa ganoon napupuno ang aming classroom marahil ay naghahanapan parin sila. Isa isa kong kinilatis ang mga bago kong makakasama, may mga nerds, conservative, rebel type, at mayroon din mga matitino. Madali mo naman talagang malaman kung ano ugali ng isang tao, makikita mo 'yan sa bagay na ginagamit nila o sinusuot, as for me ha! Ikaw bahala ka pano mo basahin ang pagkatao nila.

May gay din kaya dito? Base sa gaydar ko wala eh, that explains kung bakit walang nag i-initiate ng conversation sa room na to. Should I? Nahhh hindi naman ako like the other type of gays na loud, sa totoo lang mahiyain ako sa tao, depende nalang kung grade na ang pinaguusapan. Isa isa nang nagsisipasok ang mga bagong dating, pa smile dito, smile doon. Pero wala parin talaga naguusap. Inilabas ko nalang ang cellphone ko upang mag IG-story para narin hindi mukang out of place hehe. Nang binuksan ko ang camera upang kumuha ng video ay napansin kong may lalaking nakatingin sa camera ng phone ko. Hindi ko alam kung mabibigla ako o matatawa dahil sobrang seryoso ng mukha niya. Ibinaba ko ang phone ko para hintaying magiba siya ng posisyon, nang sinubukan ko uli mag kumuha nang video ay nakatingin parin siya sa camera, sinubukan ko pang izoom in at zoom out pero hindi parin siya umaalis ng tingin.

"Shocks", napabulong nalang ako habang itinatago ang phone ko. Ano problema nun? May sira ba 'yun sa ulo? I don't mean to offend pero ang creepy naman kasi kung ikaw ba nakita mo sarili mo sa camera ng iba hindi ba mahihiya ka? Kinabahan ako at tumaas ang balahibo ko, hindi kaya?, no, no, no imposible, multo? Ang gwapo niya naman para maging multo. Nilingon ko siya sa likod at nakatingin parin siya sa akin. Agd ko namang iniwas ang aking tingin. Problema nito? Nilingon ko ulit siya at sinubukang ngitian, bahala na!!! "Hi", bati ko sa kanya. Gumanti din ito ng ngiti at "hello". Nagsasalita naman pala hindi siya siraulo. "Ako nga pala si Miguel", pagpapakilala niya sabay abot ng kanyang kamay. "AC", at nakipagkamay din ako sakanya. Ang laki ng nga kamay niya at halatang nagwowork out, grabe makapisil eh. Nginitian ko na lamang siya upang mabawasan ang awkwardness. Hindi nagtagal ay pumasok narin ang aming magiging adviser para sa semester na ito. May edad na siya at mukhang masungit na babae. Siguro niloko ng asawa ito kaya ganon nalang kung makasimangot.

"Good morning class, I'm sorry for being late but before anything else let me introduce myself, I am Ms. Vilma Felicidad and I will be your adviser for this semester.", sabi ko na nga ba eh siguro hiwalay ito sa asawa, walang forever ma'am, I should know. "Alam niyo naman siguro ang classroom rules and that applies on my class, but before anything else, mayroon kayong makakasama sa section na ito, I don't know if you heard of him before but nonetheless meet your new classmate, Mr. Jayvee Alcantara!!!", shocks!!! Si...at may special introduction pa!!! O-m-g, nagsingisi ang mga kaklase kong mga babae habang nagkunot noo naman ang mga kalalakihan. Paanong? Yung mayabang na lalaking 'yun? Magiging kaklase ko? Mali ata desisyon kong lumipat dito sa school na ito!!!

Announcement: Walang Forever [Complete]Where stories live. Discover now