4

6.7K 127 5
                                    

Dahil bago kaming lahat sa section na ito, you already know the drill. Isa isa kaming pupunta sa harap para magpakilala. Usually this is the most exciting part for me pero parang iba pakuramdam ko. Uwi nalang ata ako. Nagsimula na ang introduction ng bawat isa, simula sa harap kung saan nakaupo 'yung Jayvee. Shocks!!! Paano na kung ako 'yung nasa harap? Sana'y ako sa public speaking pero iba ito. Siya ang anak ng mayari ng school na ito at isang senyas nalang ay maaring maevict ako dito!!!

Lahat ay kabado at dinig ko ang pageensayo nila sa kanilang sasabihin. Habang ang ilan naman ay nagtitilian sa bawat lalakeng magpapakilala sa harap, ang lalandi!!! Itong nasa likod ko naman ang tahimik parin, bahala siya diyan. "Okay next it's your turn Mr. Alcantara!", hudyat ng aming adviser para magpakilala na si, tawagin nalang natin siyang Mr. Mukang Adik. Nakuha 'pang magayos ng buhok, napakapresko at ubod ng yabang. Kumindat kindat pa siya at ang mga malalanding girls naman halos mamilipit sa kilig, sarap tuktokan sa ulo. "Ehem!!! Hi!!!", paunang bati nito at talagang nagpapa yummy ang adik na to ha???!!! Ang kapal talaga!!!

"I'm Jayvee Alcantara, 17 and I graduated junior highschool here and my dream is to become an Architect."

"Okay that's nice, and the three things you like???", pahabol na tanong ni Ma'am.

"I like to play online games, I like Liza Soberano..."

"I like Mia Khalifa!!!", sigaw naman ng barkada niya, at biglang naghiyawan ang buong klase habang clueless si Ma'am.

"I like dancing", panapos nito sabay pakagat nito sa labi niyang may piercing. Ang yabang talaga hindi ba't bawal magsuot ng piercing sa eskuwelahan? Palibhasa anak ng mayari kaya kinukunsinte ang pagkaribelde. Natapos na silang magpakilala isa isa at ako na ang susunod. Ang bilis naman, o-m-g bumibilis ang kabig ng dibdib ko. Kakapalan ko nalang mukha ko bahala na. Ako ay tumayo na at naglakad papuntang harap. Natahimik ang lahat habang ang kanilang mga mata'y nakatutok sa akin. Titigan ba nang ganyan? Mas lalo akong kinabahan. Napansin ko ring nagbubulungan si mukang adik at kanyang mga barkada. "Goo...Good morning everyone, I'm Andrei Chester Villanueva, 17 and I'm a transferee who came from Malaya School.", salamat at naitawid ko rin. Pansin ko na nagbubulungan din ang iba pang mga kaklase ko.

"...Three things that you like?", pahabol ni Ma'am

"I like watching documentaries, I like..."

"I like boys!!!", singit ni Adik na ikinatuwa ng buong klase. Halos maiyak ako pero pinigil ko ang aking sarili. Buwiset ka talaga, bully ka!!!

"I like people who strive for decency and possess the right amount of respect for others because we all know ma'am na you can never teach someone how to respect it is always innate kaya kung wala ka nun, it is your lack as an individual and lastly, not to brag but I like collecting medals and certificates, thank you!!!", pambawi ko, nagsipalakpakan naman ang mga ilan sa kaklase ko habang sila Adik naman ay kunot noo. "Thank you Mr. Villanueva, I like your attitude", napalitan ng ngiti ang kaba ko. Ikaw Adik!!! Sumuko ka na!!!

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon