36

2.8K 51 4
                                    

Ang sama ng pakiramdam ko hindi ko na ata kaya pumasok. Tutal kakatapos lang din anamn nge exam week ipahinga ko nalang muna. Nagpaalam na ako kay Lucy upang gawan ako ng letter of excuse. Tumawag na rin si Jayvee at ipinaalam ko ang kalagayan ko. Ipapahinga ko na lang talaga ito. Unti unti nang bumigay ang katawan ko at nagpadala naalng sa pagod. Ipinikit ko na ang aking mata sa sobrang sama ng pakiramdam ko.

"Pagaling ka na AC", dinig ko ang tinig mula sa tabi ko ngunti wala akong ideya kung sino ito. Dahan dahn kong iminulat ang aking mga mata nakita ko na lamang si Miguel sa tabi ko. "Tita gising na po siya", tarantang sigaw ni Miguel. "Nasaan ako?", pagtataka kong tanong. Wala akong ideya kung ano ang nangyari. Ang huli ko lang natatandaan ay natulog na lang ako dahilaa pagod.

Nang dumating si mama at ang doctor ipinaalam nila sa akin ang kalagayan ko. Ako pala ay mayroong dengue fever. Nabigla ako sa sinabi ng doctor gayong ingat na ingat ako sa sarili ko. Kahit kailan talaga hindi maiiwasang magkasakit. Pinalakas naman ni amma ang loob ko siguro ay tatlo hanggang anim na araw at puwede na akong makalabas. Hinanap ko si Jayvee sa paligid ngunit wala siya. Baka nasa school pa o rehearsals nila sa buwan ng wika. "Labas muna ako nak para makapag usap kayo ng classmate mo", paalam ni mama. Nilapitan ako ni Miguel at pilit pinalakas ang loob ko.

"Ba't ka andito?"

"Ikaw na nga 'tong binisita"

"'Di ba may pasok tayo?"

"Nagpaalam na po ako kay ma'am"

"Si Jayvee?"

"Huh? Jayvee iniisip mo, magpahinga ka lang diyan"

Lubos akong nalulungkot dahil wala si Jayvee sa tabi ko sa oras na kailangan ko siya. Pero mas kailangan ko pang lawakan ang pagintindi ko, marahil ay pagod siya sa puspusang pageensayo niya para sa contest. Hindi makakatulong kung aabalahin ko siya. Nakakainis naman 'tong sakit na 'to, ngayon pa tumama kung kailan kailangang suportahan ko si Jayvee. Lubos na panghihinayang ko ngunit gayunpaman ay hinihiling ko na sana maging magaling na ako sa lalong madaling panahon. Gusto ko masaksihan ko ang pagkapanalo niya. Oo, talagang sigurado akong mananalo siya, pogi kaya ng mokong na 'yun at siyempre matalino.

Dumating sila Lucy dala ang mga prutas para sa akin. Kinamusta nila ako at ibinalita ang mga nagaganap sa school. "Si Jayvee kamusta?", bulong ko sa kanya ngunit tila iniiwas niya ang usapan. "Lucy, si Jayvee okay lang ba sa rehearsals nila?", singit ko muli sa aming usapan. Nagtitigan sila ni Mary Joy. "okay lang siyempre", sagot nito. Hindi parin ako kuntento sa sagot nila. Interesado ako kung anong nangyayari kay Jayvee. "Ay wait lang AC nagtext si mama, emergency daw, mauna na muna ako, tara na Majoy", paalam ni Lucy. "Huy teka, akala ko ba mama mo, ba't kasama pa si Majoy?", pagtataka ko. "Walang maghahatid sa kanya 'pag naiwan", paliwanang nito. Naintindihan ko naman ang katwiran niya kaya hinayaan ko na sila. Nagpaalam na sila at ngpasalamat naman ako sa pagbisita nila. Mga tunay na kaibigan talaga sila. Masuwerte ako at nakilala ko sila kahit ngayon lang kami nagkakilala ay parang tunay na kapatid ang turing nila sa akin.

Nakalabas na ang dalawa ngunit naaninag ko si Miguel na mahimbing na nakatulog sa upuan. Dahil narin siguro sa pagkabugnot ay nakatulog na ito. Nakakahiya naman sa kanya at naaabala ko pa siya ng ganito. Sinubukan kong bumangon para lapitan siya. Dahan dahan ako inihakbang ang aking mga mata bitbit ang aking dextrose. Hindi pa man din ako nakalalapit sa kanya ay naalimpungatan na ito. "AC! Ba't ka bumangon???"

"Gisingin sana kita kaso ayan nagkusa kanaman na"

"Bawal ka pang tumayo baka mabinat ka"

"Hindi naman siguro"

"'Wag ka nga makulit, humiga ka muna", nagmadali siyang lumapit sa akin upang alalayan. Grabe naman 'tong isang 'to parang si papa kung pagalitan ako. "Huy umuwi ka na rin, anong oras na", hindi niya ako kinibo at tumayo lamang sa harapan ng aking higaan. "Oh?", pagtataka ko. Bakas sa mukha niya ang pagkainis ngunit hindi ko mawari kung sa anong dahilan. "'Yang kilay mo baka magdikit na", pagputol ko sa kanyang kayahimikan.

"Dito ako matutulog"

"Huh? May pasok 'wag kang siraulo"

"Nagpaalam na ako"

"Alam mo mas lalong sumasakit ang ulo ko sa kakulitan mo"

"Ikaw ang makulit, magpahinga ka na nga!"

"Oh ba't ka sumisigaw?"

"Ang tigas ng ulo mo"

Ano bang nagawa ko? Ba't parang ang init ng dugo nito sa akin? Kung concern siya sa paggaling ko siguro sobra naman na 'yung pagaalala niya. Dengue fever lang 'to hindi naman cancer o kung ano mang sakit na malala.

Announcement: Walang Forever [Complete]Where stories live. Discover now