25

3.6K 71 5
                                    

"AC", tawag sa akin ni mama. 10:00pm na pero gising parin siya. "Po?", sagot ko habang pilit ginigising ang aking diwa. "Halika sa kwarto magusap nga tayo", kinabahan ako sa sinabi ni mama. Minsan lang ako ipatawag ni mama sa kwarto nila papa. Kaya naman alam ko kung mayroong mabigat na dahilan. Anong kasalanan ko? Grades? Wala pa naman. Wala talaga akong ideya kung bakit ako tinawag ni mama, nagsimula ng mangatog ang tuhod ko. "Pa", kalabit ni mama kay papa na mahimbing ng natutulog. Masamang pangitain 'to, pagagalitan ako ni papa. Bumangon na si mama at naupo habang nakatutok silang dalawa sa akin kita ang ikinikilos ko. "Alam mo naman AC na tanggap namin 'yang...", pagtukoy nila sa kasarian ko. "Dahil ikaw na nga lang ang anak namin at ganyan ka pa itinuturing ka namin na bilang isang babae", mahabang paliwanag ni papa.

"Ikaw ba eh may boyfriend na?"

"Wala po"

"Naku! Eh masama 'yang ginagawa mo"

"Po?"

"Kung magsyosyota ka ng lalaki, okay lang! Kung gusto mo babae mas lalong okay! Pero mali itong ginagawa mo nak!"

"Ano po 'yun?", pagtataka ko

"Hindi mo na kami nirespeto ng mama mo o kahit man lang 'tong bahay na'to"

"Nirerespeto ko po kayo pa, ma wala po akong ginagawang masama"

"'Yan ay akala mo lang pero mali 'yan nak, mali na naguuwi ka ng lalaki at ipinapasok mo sa kwarto mo"

"Sorry po pa, kailangan lang po talaga para sa tutorial namin"

"Pero may nangyari sa inyo?"

"Huh?, mama? Ano 'to?"

"Nakita ng mama mo itong brief sa banyo mo! 'Di sa'yo 'yan, hindi akin at lalong lalo na 'di sa mama mo, wala naman ibang nakakapasok sa kwarto mo"

"Brief? Si Jayvee..."

"Oh alam mo na, mali 'yang ginawa niyo!!!"

"Pa, ma hindi po!!! Si Jayvee po mayari nito kasi nakiligo po siya sa banyo ko kasi sobrang pawis niya hindi po siya sanay sa walang aircon sa katunayan nga pinahiram ko siya ng shirt"

"Huh ganon ba nak??? Ito kasing mama mo eh kung ano ano iniisip"

"Mama naman!!! Alam mo namang 'di ko magagawa 'yan, nagaaral nga ako mabuti para maging masaya kayo", maluhaluha kong paliwanag.

"Sorry nak, nagalala lang ako"

"Hindi ako magboboyfriend kahit kailan"

"'Wag naman ganon, kailangan mo rin 'yan ang amin lang huwag kang pumapayag na sakupin ang bataan mo ng basta basta"

"Bataan talaga???", napatawa na ako dahil sa pagbibiro ni mama

"Pero seryoso nak, kung meron man maglakas loob ipakilala mo agad kay papa huh?", paliwanag ni papa

"Opo, sorry din mo ma, pa"

"Sige na tulog ka na, mukang pagod ang mabait kong anak. Ibalik mo na 'tong brief nung Jayvee na 'yun nilabahan ko na 'yan, pero in fairness ang bango huh", biro ni mama

Announcement: Walang Forever [Complete]Where stories live. Discover now