15

4.3K 76 1
                                    

12:00 na ng hating gabi pero hindi parin ako makatulog. Bakit ko ba nasabi kasi 'yon? Paano na bukas? Hindi sa natatakot ako kung anong gawin niya knowing na sila ang may ari ng school na pinapasukan ko pero dahil hindi ako sanay na may tao akong nasasaktan. Pakiramdam ko ako ang pinakamasamang tao dito sa mundo at wala narin akong pinagkaiba sa mga taong walang pinagaralan.

Pinagiisipan ko kung tatawagan ko ba siya, paanong sasabihin ko? Gising pa ba siya? Hindi talaga ako mapakali hanggat hindi nakakapag sorry sa kanya. Ito na nga't hindi ako makatulog kakaisip. Gising pa siguro 'yun mga ganitong oras din niya ako na-prank call noon eh. Tatawag na ba ako? Bahala na lang. Hinanap ko ang comtact niya at tinawagan. Matagal bago ito sagutin hanggang sa wakas ay mayroon ding sumagot. Walang imikan sa kabilang linya at mas lalo akong kinabahan.

"Hello?", wala parin siyang imik mukhang galit talaga siya.

"Jayvee???"

"Ba't ka tumawag?!"

"Pwede ba kitang kausapin?, saglit lang, gising ka pa ba?"

"Mmm!"

"Uy galit ka ba? Dun sa kanina... gusto ko sana mags..."

"Okay lang yun, sabi ko naman sayo sanay na ako"

"Pero mali parin para sabihin ko sa'yo 'yun"

"Pero tama ka naman, wala akong patutunguhan"

"Hindi sa ganon tssk hindi totoo 'yun, wala! Hindi totoo 'yun, napikon lang ako."

"Okay lang sige na matulog ka na"

Pinatay niya na ang kanyang telepono. Nagtapos ang gabi ng walang kaaayusan. Hindi ako mapakali dahil sa nagawa kong kasalanan. Hindi ganito ang tinuro ni mama sa akin. Talagang maling mali ako. Ang napakalaki kong problema ngayon ay paano niya ako patatawarin. Madaling humingi ng tawad sa taong matagal mo nang kilala pero sa mga tulad ni Jayvee, hindi ko mawari kung anong nararamdaman niya.

-

TGIF pero hindi ako masaya. Dahil ngayon ang huli kong pagkakataon para humingi ng dispensa sa nagawa ko ky Jayvee. Ayoko namang ipagpaabot pa sa susunod na linggo. Ayokong may bigat akong baon baon sa isipan. Nandito na ako sa aming room. Maaga ako ng pasok kaya naman ay iilan pa lamang ang mga estudyante sa dito sa school. Tamang tama rin para makapag isip ako ng paraan para mag sorry ng personal. Ayoko man pero kailangan isantabi ko na ang pride ko dahil sa panahon ngayon ako ang may kasalanan at nangangailangan ng tulong.
"Good morning!", bati sa akin ni Miguel. Nginitian ko lamang siya at nagbalik nanaman ako sa malalim na pagiisip.

"May problema ba?"

"Meron?"

"Ba't patanong?"

"May kasalanan kasi ako, hindi ko alam kung paano ko masosolusyunan."

"Ako!"

"Anong ikaw?"

"Sabihin mo lang, tulungan kita", sabay ngiti nito sa akin. Ang bait naman nitong isang 'to, mas lalo kong nare-realize ang pagkademonyo ko. All this time ang sama ko pala.

"Huwag na nahihiya ako"

"Luh wag ka na mahiya, tulungan kita pramis"

"Sige, ganito kasi 'yun may isang tao na napagsalitaan ko ng masama, ng mga words na talgang nakaka humiliate. Hindi ko naman sadya pero talagang sa tingin ko nasaktan ko talaga siya. Okay... alam ko hinuhusgahan mo na ako sa isip mo, pero okay lang, tanggap ko na. Ang sama sama ko kaya nga gusto ko mag sorry ng personal"

"Hehe ano ka ba? Hindi kita hinuhusgahan, natutuwa lang ako sa'yo kasi kaya mong tanggapin pagkakamali mo. Ang cute mo magalala eh namumula ilong hehe"

"Nambola pa, ano nga? Paano gagawin ko? Kasi hindi ako ganitong tao kaya ayokong magtagal 'tong nagawa kong pagkakamali ng hindi pa nasesettle"

"Okay, ahhhmmm kailangan gumawa ka ng public apology."

"Public apology? Seryoso?"

"Oo naman, diyan niya lang mararamdaman na sincere ka. Kung personal lang kayo maguusap hindi yan maayos kaya public apology agad, chaka sabi nga diba na humiliate mo siya?"

"Oo nga tama, paano? Anong props?"

"'Yun ang di ko alam, ikaw na bahala ikaw naman nakakakilala sa taong 'iyon."

"Ganon ba...sige salamat", seryoso talaga to si Miguel? Public apology? Ang naiisip ko parang magmumukha lang akong nagwewelga. Wala akong idea. First time ko lang 'to gagawin at ayoko nang maulit at magcommit ulit ng ganitong gawain. Hahanap nalang ako sa facebook ng mga  concept para dito. Bahala na talaga kung ano mangyari jusko po kayo na bahala sa akin, nagsisisi na po ako.

Announcement: Walang Forever [Complete]Where stories live. Discover now