8

5.4K 129 10
                                    

Andito kami ngayon sa loob ng sinehan bandang gitna. Napaisip nalang ako, ba't ba ako sumama dito. May mga ganong instances talaga 'yung ayaw mo 'yung movie pero mapipilitan ka nalang panoorin kasi majority sa grupo boto doon. Ngayon, nanghihinayang ako sa pera ko para sa isang walang kuwentang romantic movie. Ang corny kaya sobrang predictable na ngayon ng mga movie kung hindi yung dalawang bida ang magkakatuluyan, may mamamatay or 'yung friend ang makakatuluyan nung isa.

Nasa iisang row kaming lahat at nasa pagitan ako ng mga boys at girls. Nasa kanan ko si Miguel at kaliwa ko naman si MaryJoy. Siyempre ang ulo ko nakalingon lang to the left. Pero 'diko maiwasang masagi ng peripheral view ko si Miguel, bawat harutan nila ng nga boys pansin ko. Ang gugulo nga nila, kaya ayaw ko kasama mga boys sa mga lakad. "Chips?", alok sa akin ni Miguel. Hindi ko siya pinansin although narinig ko naman. Nabigla na lang ako ng hinawakan niya ang kamay ko at ipinasok sa bucket. "Chips, pansin ko kasi ubos na 'yung sa'yo". Napansin niya 'yun? Eh ang dilim namn dito. "Thank you", sagot ko sa kanya ng pilit na ngiti sabay tingin nalang sa screen.

"Ang hot talaga nung bida!", tili ni Lucy

"Mas hot at pogi naman ako diyan", bulong ni Miguel dahilan para maplingon ako sa kanya. Binigyan niya ako ng seryosong titig sabay kindat. Problema nito? Iniwas ko na lang agad ang aking paningin sa kanya. Ano ba 'to mga kasama ko, uwi nalang ata talaga ako!!! Hindi ko gusto mga ganitong eksena!!! Hindi ko lubos maisip na 'yung tahimik sa likuran ko nung first day eh siya pala 'tong may kulo. Totoo talaga kasabihan ng matatanda. Komportableng ipinikit at natulog nalang ako, antayin ko nalang matapos ang movie na 'to.

"AC!!!", nadidinig kong bulong nila pero 'diko nalamang pinapansin.

Siya pala si Miguel, mukhang tahimik sa umpisa pero tulad din ng lahat ng lalaki maingay at magulo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Siya pala si Miguel, mukhang tahimik sa umpisa pero tulad din ng lahat ng lalaki maingay at magulo. Mahilig siyang magbigay ng mga makahulugang tingin 'yung tipong marami siyang alam tungkol sa'yo parang ganun ang dating. Pero kung ikukumpara ko siya sa adik na 'yun, mas okay ito kasi hindi bastos at bossy, medyo may kapilyuhan lang. Magaling siguro kumuha ng loob ng mga babae ito. Pero hell no!!! Wala ako balak maka close alin man sa dalawa nuh! I don't need boys in my life except for my tito, lolo and papa. Lovelife? Nakakain ba 'yun? I firmly believe na ang mga katulad kong nabibilang sa ikatlong lahi ay kailangan mabuhay ng independent at magaling at lalong lalo na hindi dumepdepende sa mga lalaki! Kaya it's a no for me!!! And the judges' votes are final!!!

Announcement: Walang Forever [Complete]Where stories live. Discover now