47

2.7K 51 2
                                    

"AC mabuti naman okay na kayo ni Jayvee", pagbasag ni Miguel sa katahimikan. Kami ay nakapila ngayon sa Ocean Park habang ang lahat ay busy sa kani kanilang cellphones.

"Alam mo?"

"Oo, kahit 'di mo sabihin alam ko"

"Alam mo?, paano?"

"Promise mo hindi ka magagalit sa akin?"

"Ano nga?"

"Promise mo muna"

"Okay promise"

Maluwag narin sa loob ko na pinakinggan kung ano man ang sasabihin ni Miguel. Wala ng puwang sa puso ko ang magalit pa. Maayos na kami ni Jayvee at sa tingin ko tama lang na harapin ko na ang lahat. Inamin sa akin ni Miguel ang nalalaman niya sa nangyari. Nilahad niya ang lahat lahat, ako lang pala ang hindi nakakaalam sa ginawa ni Jayve ng mga panahong iyon. Pero wala naring magagawa kung magalit ako ngayon, nangyari na ang nangyari at masaya ako sa mabubuong pamilya ni Jayvee, magiging mabuti siyang ama alam ko 'yon. Dahil na rin sa sinabi ni Miguel ay napagtanto ko kung gaano ako kaswerte dahil napakarami pala nilang ninais na protektahan ako. Nagawa pa nga daw bugbugin ni Miguel si Jayvee. Masaya ako, masaya akong malaman na may mga nagmamahal sa akin ng totoo, hindi man gaya ng sa amin dati ni Jayvee, ay at least alam ko na may mga taong handang ipagtanggol ako.

"Kamusta naman kayo ni Lucy? Ikaw huh baka kung ano pinagagawa mo..."

"Hehe relax alam ko pogi ako pero 'di ako fuckboy"

"Wow, ang hangin naman pala dito"

"Ikaw? Okay ka na ba?"

"Oo naman"

"So pwede na?"

"Pwede ng alin?"

"Pwede na kitang ligawan?"

"Huh? Baliw ka ba? Kakasabi ko lang eh, 'wag mong sasaktan ang kaibigan ko, isa pa kung naaawa ka lang sakin okay lang ako, kaya ko noh"

"Eh, hindi talaga kami eh"

"Huh? ano sinasabi mo?!!! Paanong..."

Halos magulantang ang pagiisip ko sa rebelasyon ni Miguel sa akin. Ibig sabihin lahat ng mga kasweetan nila sa isa't isa ay staged lang. pero... bakit? Bakit nila kailangang gawin lahat ng iyon? "Tama ang sinabi niya", pagsingit ni Lucy. "Sorry AC kailangan naming lokohin ka, ginawa lang namin iyon para dumistansya ng konti dahil sa nalaman namin tungkol kay Jayvee, ayaw naming pangunahan siya at siguro binigyan pa namin siya ng pagkakataon para magpaliwanag, hanggang sa ikaw na nga ang nakadiskubre ng lahat", dugtong pa nito.

"Huh? Pero bakit sa dinami dami ng gagawin niyo, nagpanggap pa kayo na magjowa? Para kayong sira!"

"Eh kasi itong si Miguel...", nahinto sa pagsasalita si Lucy ng takpan ang kanyang bibig ni Miguel.

"AC, 'wag ka makikinig dito sa babaeng 'to"

"Ano ba kayo? Para kayong mga bata"

At doon na nga nagkaasaran ang dalawa. Ano man ang dahilan ng pagpapanggap nila ay hindi na mahalaga, pero sa tutuusin bagay naman 'tong dalawang 'to. Parehong mga kalog.
——————————————————————————-
——————————————————————————-
7:00 PM narito na kami sa aming huling destinasyon, Star City hindi ako mahilig sa mga rides  pero sayng naman kung hindi ako susubok. Kung alam ko lang na hindi educational trip ito at pure amusement lang ay hindi na sana ako sumama. Oo nga pala ngayon narin pala ang huling gabi ni Jayvee dito sa bansa. Bukas agad ang flight niya, hindi kaya nakakapagod iyon?

Announcement: Walang Forever [Complete]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum