43

2.8K 42 4
                                    

"Jane!!!", sigaw ko sa loob ng mall habang patuloy na hinahabol ang babaeng sa tingin ko ay si Jane. Malakas ang kutob ko na siya 'yun pero, buntis siya? Napakaraming tanong ang bumagabag sa akin, ang hindi niya paglabas noong pageant at ang bigla niya lamang pag alis sa aming school. Wala ni sino man ang makapagsabi sa akin kung ano ang dahilan ng mga iyon. Hindi sa nais ko siyang husgahan kundi inaalala konlamang kung ano man ang nangyari kung bakit siya nagkaganoon.

Nandito ako ngayon sa mall upang kitain sila mama na nagsabing nasa grocery lamang sila. Ano kaya nangyari kay Jane? Ba't takot na takot siya? Wala akong intensyong gawin siyang kaawa awa, gusto ko lamang siyang kamustahin sana ngunit nanguna na ang kanyang takot. Ngayon ay alam ko na ang posibleng dahilan ng pag drop niya sa school. Bawal sa kasi sa amin ang matuklasang buntis o may anak na lalo na sa highschool level. Hindi ko nga alam ba't ganoon ka istrikto ang paaralan sa mga ganyang bagay.

"AC!", tawag sa akin ni Kyle mula sa malayo. Nagmadali itong tumakbo papalapit sa akin. "Oh? Ikaw, ano ginagawa mo dito?", aking pagtataka. Hindi sa pagiging assuming o anuman pero pakiramdam ko alam lahat nitong maybang na 'to ang whereabouts ko. Parating nakasulpot parang kabute at asong buntot ng buntot. "Huh? Ah wala ikaw? Sino kasama mo?", pagtapon niya ng tanong.

"Sila mama andito daw, tinawagan ako kakain daw kami

"Ah ganon ba?"

"Kyle, may sasabihin ako pero atin lang muna ito ha?"

"Oh? Ano 'yun?"

"Si Jane kasi parang nakita ko siya kanina"

"Ano sabi?"

"Wala nga eh nagmadaling umalis, pero hindi 'yun ang punto ko, kasi napansin kong malaki ang tiyan niya, buntis siya?"

"Huh? Ewan ko! Ba't ako tinatanong mo?"

"Siyempre tito mo ang mayari ng school, baka alam mo dahilan kung bakit siya umalis"

"Tsss! 'Di ba nga, ang sabi ni ma'am nagdrop daw, kung ano man nakita mo baka naman ibang tao 'yun,  'wag mo na nga isipin 'yun"

"Sige, nag aalala lang kasi ako, kahit papaano eh naging classmate natin siya..."

Hindi ko na lamang masyadong inisip ang nakita ko. Siguro nga hindi si Jane 'yun, masama rin ang manghusga agad. Kaso ewan ko ba at parang kabado ang pakiramdam ko. Kung nasaan man siya sana maayos siya. Hindi rin nagtagal si Kyle at nagpaalam na upang puntahan ang kanyang barkada.

Nagkita na kami nila mama at kumain na tulad ng napagusapan. "Nasaan boyfriend mo?", paguusisa niya. Ako naman ay natahimik na lamang. Ano nga ba ang isasagot ko? Nasa barkada? Lately parang nagiging maraming gala si Jayvee. Alam ko namang maayos siya kaya hinahayaan ko lang. Ayoko nang iparating pa kila mama at papa baka bigyan lang nila ng kahulugan. "Di ba si Jayvee iyon???", biglang turo ni mama sa malayo. Agad ko namang nilingon ang direksyon na itinuturo ni mama. "Sino kasama niya? Ate niya? Ang ganda naman pala ng lahi nila ano AC?", singit ni lola. Pilit kong maging rasyunal sa aking pagiisip. Wala lang siguro ito, ikukwento 'to sa akin ni Jayvee. Hindi ko dapat siya pagisipan ng masama. Pero bakit kasama niya si Jane? Ba't iniwasan niya ako nang makita ko siya? Nagsimulang maglaro sa aking isipan ang sari't saring bagay.

Ako ay lumabas muna at sinubukang tawagan si Jayvee. Matagal bago niya ito sagutin dahilan upang mas kabahan ako sa mga sumunod nilang ginagawa. "Hindi, wag kang mag isip ng ganyan AC", bulong ko sa aking sarili.

"Hello?"

"Oh? Napatawag ka?"

"Ah nasaan ka?"

"Nandito sa mall"

"Ah, hehe sige, sino kasama mo?"

"Si Jane, mahabang kuwento AC, basta maya sabihin ko sa'yo"

"Hehe ah ganon ba? Sige hahahahah bye, love you!"

"Love you too"

At nakahinga na nga ako ng maluwag. Kahit kailan talaga napaka praning ko sa lahat ng bagay. Masama ito, mahal ako ni Jayvee at dapat ay paniwalaan ko at pagkatiwalaan. Hindi siya gagawa ng makakasakit sa akin.

Pagkatapos ng aming mga pinuntahan nila mama ay nagpaalam muna ako para dumaan kila Jayvee. Ayoko naman nang pagpasundo sa kanya, samakatuwid hindi niya alam na pupunta ako sa bahay nila. Kung wala man siya doon ay hihintayin ko na lamang. Nakakainis kasi siya napapadalas ang paglakwatsya niya kasama ang kanyang barkada. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero parang hindi na kasi ganoon kadalas kung kami ay magsama. Ganoon daw ang problema talaga sabi ni Lucy pagdating sa pakikipagrelasyon, malaking kalaban mo talaga ang oras na inilalaan niya sa ibang tao. "AC?", gulat na pagtataka ni manang habang pinatuloy niya ako sa loob. "Para naman pong bago, namiss niyo po ba ako?", pabiro kong sagot. "Ah wala naman ano kasi...", naidlot ang kanyang pagsasalita nang bumaba si Kyle mula sa hagdan. "AC! Halika na dito", tawag niya sa akin. Medyo bastos siya huh, hindi man lang nagpasintabi. "Manang pasensya na ah, tawag na ako nitong isa niyong alaga", paalam ko.

"Bakit mo ba ako pinapataas? Naguusap pa kami ni manang"

"'Wag kang nakikipagusap dun"

"Bakit?"

"Siraulo 'yun"

"Huh?"

"Tsss!"

"Oh so ano gagawin ko dito? bakit ang epal mo? Nakikipagkuwentuhan lang 'yung tao..."

"Edi ako kausapin mo"

"Wala kang sense kausap"

"Pasalamat ka maganda ka hahahahhaa"

"Oh bakit?"

"Wala, ang tapang tapang mo noh? 'Di mo ba nakikita 'tong tattoo ko?"

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon